Vice, pinasaringan si Carlos sa away sa pamilya
- BULGAR

- Aug 20, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Entertainment News | August 20, 2024

Napukaw ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang atensiyon ng mga netizens dahil sa kanyang binitawang litanya na tila tinutumbok ang double gold Olympic medalist na si Carlos Yulo sa segment ng show na EXpecially For You.
Sa nasabing episode kasi, sinabi ni Vice na mas better daw na maayos sa pamilya kesa magkaroon ng gold medal sa Olympics.
Nahuli naman nito ang inis ng karamihan sa madlang pipol na nagparating ng kanilang disappointment sa pahayag ng host sa mga posts sa 'X'.
Marami sa mga posts ang kumondena sa TV host dahil hindi naman daw lahat ay parehas ang dinadanas sa kamay ng pamilya, hindi nga naman magandang i-assume na redeemable pa ang family situation ng karamihan lalo pa if biktima na raw ng pang-aabuso.
Wala pa namang pahayag si Vice Ganda na pinuputakti na at viral ngayon sa mga social media platforms dahil sa sinasabing backward na take nito.








Comments