top of page

3 months pinagpapahinga ng doktor… VICE, GUSTUNG-GUSTO NANG MAGKA-BABY KAY ION, ‘DI KAYANG IWAN ANG CAREER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 17, 2025


Vice Ganda at Ion - IG

Photo: Vice Ganda at Ion - IG


Kaliwa’t kanan pa rin ang mga banat sa social media sa It’s Showtime host na si Vice Ganda na nag-ugat sa Jet Ski Holiday joke niya sa nakaraang Super Divas concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Araneta Coliseum.


Affected much talaga ang maraming DDS (diehard Duterte supporters) sa binitawang joke ni Vice laban kay ex-President Rodrigo Duterte na hanggang ngayon ay hindi pa rin makabalik ng bansa at nananatili sa The Hague, Netherlands.


Pero nang makita namin si Vice sa thanksgiving-appreciation party niya for the SPEED (Society of Phil. Entertainment Editors) members last Thursday sa kanyang Vice Comedy Club, in fairness to her, hindi naman namin siya kinakitaan ng sign na problemado o malungkot.


Nagpa-thanksgiving si Vice sa aming grupong SPEED para sa kanyang Box Office Hero award sa nakaraang 8th EDDYS. As we all know, isa lang ang MMFF 2024 movie ni Vice na And The Breadwinner Is sa mga pelikulang kumita nang mahigit P100 M last year, kaya napasama siya sa mga Box Office Heroes.


Anyway, going back sa mga ganap sa party, dahil maingay sa Vice Comedy Club, hindi kami nagkaroon ng chance na hingin ang reaksiyon ni Vice sa latest controversy sa kanya ngayon.


Konting chikahan lang ang nangyari at ang nabanggit lang niya sa amin, nagpahinga siya nang ilang araw kaya nawala siya sa It’s Showtime.


So, hindi naman pala totoong na-suspend siya sa noontime show dahil sa panawagan ng mga galit sa kanyang DDS.


Ani pa ni Meme Vice, nagsunud-sunod kasi ang pagod niya sa concert at sa pagsu-shoot ng kanilang MMFF movie kaya nagpahinga muna siya, pero kahapon (Sabado), balik-It’s Showtime na rin si Vice Ganda. 


Binati rin namin ang suot na gold chain necklace ni Vice that night at biniro namin siyang taob niya si Kris Aquino sa hitsura ng necklace niya na mukhang milyon ang halaga at napangiti na lang ang Unkabogable Star.


Siyempre naman, ngayong afford na afford naman ni Vice na bumili ng alahas, bakit naman hindi niya ipe-flex lalo’t makakadagdag sa confidence niya ang yayamanin look niya, ‘no?


Samantala, natanong din namin si Vice Ganda kung hindi pa ba sila magbe-baby ng kanyang mister na si Ion Perez.


Sagot sa amin ni Meme, “Gustung-gusto ko na nga, eh, kaso 3 months akong pinagpapahinga ng doktor.”


Kailangan daw kasing maging healthy ang sperm cells para sa IVF procedure kaya pinagre-rest siya. Pero dahil ang dami pa ring projects ni Vice tulad ng It’s Showtime at ng kanyang upcoming movie sa MMFF na Call Me Mother na mula sa Star Cinema at The IdeaFirst Productions, hindi pa nga niya mabigyang-oras ang ‘baby project’ nila ni Ion.


Well, kasama rin ni Vice that night ang good friend niyang si RS Francisco ng Frontrow-Luxxe White na naki-party-party sa SPEED members.


Asked namin si RS kung ano sa tingin niya ang napi-feel ngayon ni Vice sa mga banat sa kanya. Sagot sa amin ng actor-director-businessman, kung kilala nga niya si Vice, sanay na ito sa mga ganitong banat at hindi na ito para ika-depressed pa or para maapektuhan pa ang Unkabogable Star. 


Well, tama naman, sa dami na ng isyu at pamba-bash na ibinato kay Vice Ganda, for sure ay alam na nitong i-handle ang mga kontrobersiyang ibinabato sa kanya.

Anyway, nakita rin pala namin sa Vice Comedy Club that Thursday night ang mister ni Angel Locsin na si Neil Arce. Part owner din pala ng club ang dating movie producer.

Asked nga namin si Neil kung kelan siya magbabalik sa pagpo-produce ng pelikula at ang sagot niya, “Saka na, ‘pag handa na akong ma-stress uli.”


Nyahahaha! Sabagay, baka hindi pa tapos ang honeymoon stage nila ni Angel at enjoy  pa sila sa buhay-may-asawa kaya ayaw muna niyang ma-stress sa pagpo-produce ng movie.


Super LOL (laugh out loud) naman kami that night sa mga pasabog at kakuwelahan ng mga stand-up comedians ng Vice Comedy Club lalo na nina Tammy Brown, Jolina, Echo, Tart Carlos, Pepay at Petite.


Yes, “adult jokes” nga ang mga hirit nila kaya kung sensitive at pikon ka, ‘wag ka nang pumunta sa comedy bar.



Hindi ang first boyfriend na si Enrique… 

LIZA, UMAMING SI “J.R” ANG UNANG NAKATIKIM SA KANYA





MAY mga bagong pasabog na rebelasyon si Liza Soberano a.k.a. Hope na raw ngayon sa Mind Your F**king Business episode ng Can I Come In? channel na mapapanood sa YouTube (YT).


Dito nga nabanggit ni Liza na si Enrique talaga ang first love at first boyfriend niya kaya masakit din sa kanya ang naging hiwalayan nila after three years.

Pero ang nakakaintriga ay ang pag-amin ni Liza sa huling bahagi ng vlog kung saan in-smash niya ang mga in-slice na cake para ibigay sa mga taong ‘hate’ niya

na ang first kiss daw niya ay “J.R.” ang initial.


Obviously, hindi si Enrique Gil ito, kaya mukhang may aabangan na naman ang mga fans ni Liza o Hope kung sino nga ba ang “J.R.” na first kiss niya.

Celebrity kaya ito na minsang inamin ni Liza na crush niya?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page