top of page

VICE, 'DI NA PANG-COMEDY BAR ANG JOKES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 28, 2023




Malaking bagay talaga ang dalawang segments sa It’s Showtime na Mini Miss U at Isip Bata, kung saan puro mga bata ang kanilang contestants.


Bukod sa humahakot sila ng mga viewers, mas nakokontrol na nina Meme Vice Ganda kasama ang iba pang hosts ang mga ‘comedy bar’ kind of jokes nila.


Nakakatuwang panoorin at masasabi naming level-up version ito ng Little Miss Philippines ng TVJ dahil instant at spontaneous ang singing, dancing, acting, modeling at marami pang iba ng mga matatalino at magagandang batang babae.


Winner din ang mga resident judges sa naturang segment tulad nina Janice de Belen at Gladys Reyes, at kung minsan ay si Miss International 2016 Kylie Versoza ang tumatayong ikatlong judge. Pero ngayon, si Bela Padilla naman.


At maayos na rin ang distribution ng mga nagiging co-hosts ni Meme Vice sa mga segments ng It’s Showtime. From Ogie Alcasid to T’yang Amy Perez, hanggang kina Vhong Navarro, Jhong Hilario at Karylle.


Tila gustong ipakita ng Kapamilya show sa revamped Eat… Bulaga! nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Cassy at Mavy Legazpi among others na ganoon ang balanse at dapat ay hindi nagsasapawan ang mga hosts. ‘Ika nga, may kani-kanya silang papel.


Sana ay magtagal at mag-improve pa ang mga segments sa It’s Showtime dahil tipong nakuha na nila ang tamang ingredient at timpla ng isang noontime show.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page