top of page
Search
  • BULGAR

Vendor, kulong sa baril

ni Maeng Santos | September 15, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Kalaboso ang isang ice vendor matapos magpaputok ng baril sa Malabon City, kamakalawa.


Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Henry Gososo, 40, ng Bgy. Longos.


Sa imbestigasyon nina PSSg. Diego Ngippol at PCpl. Michael Oben, nakatanggap ng tawag mula sa Bgy. Longos ang Station Intelligence Section hinggil sa napaulat na indiscriminate firing sa Block 8 Teachers Village Pampano St.


Agad nirespondehan ng mga pulis sa pangunguna ni PLt. Joel Aquino ang naturang report kung saan nagsagawa ang mga ito ng round the clock surveillance sa naturang lugar hanggang makarinig sila ng putok ng baril malapit sa kanilang puwesto alas-5:50 ng hapon.


Nang beripikahin ng mga pulis ay nakita nila ang suspek na may bitbit na baril kaya agad nila itong inaresto at nasamsam sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala at dalawang basyo ng bala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page