top of page

VAT exemption at pinalawak na discount sa tubig at kuryente ng senior

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | June 6, 2023



ree

Ipinanukala ni Senador Lito Lapid na i-exempt sa 12 percent Value Added Tax at mas palawakin ang discount sa bill sa kuryente at tubig ng mga senior citizens.


Sa ilalim ng Senate Bill Number 2169, sinabi ni Lapid na ipatutupad ang limang porsyentong diskwento ng mga senior citizen sa 150 Kilowatt Hours mula sa kasalukuyang 50 Kilowatt Hours sa konsumo sa kuryente.


Samantala, ipatutupad naman ang limang porsyentong diskwento sa konsumo sa tubig sa unang 50 Cubic Meters mula sa kasalukuyang 30 Cubic Meters.


Isinulong din ni Lapid na ilibre na sa 12 percent Value Added Tax ang konsumo sa tubig at kuryente kung nasa ilalim ng pangalan ng senior citizens ang bills.


Naniniwala si Lapid na malaking tulong ito sa lolo't lola na walang kita at kapos sa panggastos sa kanilang pagkain at mga gamot.


Paraan na rin aniya ito ng pagpapasalamat ng lipunan sa mga senior citizen na malaki ang naiambag sa ekonomiya ng bansa noong kabataan nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page