Vaccine sa COVID-19 hindi a-aprubahan hanggat hindi kumpleto ang requirements — FDA
- BULGAR

- Aug 14, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | August 14, 2020

Ayon sa FDA ay hindi nila a-aprobahan ang COVID-19 hanggat hindi kumpleto ang mga requirements.
Sinigurado ni FDA Director General Eric Domingo nitong Biyernes na kailangan mai-test ang gamot sa Pilipilinas mula sa Russia.
“Hindi tayo magreregister ng vaccine for COVID-19 unless compelete yung phase 3 trial at makita na talagang convincing naman yung kanyang safety and efficacy,”
Nakatakdang magsagawa ang Pilipinas ng Phase 3 crinical test sa bakuna ng COVID-19 ng Russia mula Oktubre 2020 hanggang Marso 2021, ayon sa Malacañang.
Libu-libong ang nagboluntaryo upang masubukan kung epektibo ang nasabing gamot nito. Pinondohan ito ng gobyerno ng Russia at gagawin ng sabay sa Maynila at Moscow.
Nauna nang inihayag ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin na ang Moscow ay naaprubahan at nakarehistro para sa COVID-19.
Samantala, ayon sa pinuno ng Russian Direct Investment Fund, na ang bakuna ng Russia ay maaaring makuha sa Pilipinas sa buwan ng Novermber.
Sa isang panayam, sinabi ni Domingo na ang bakuna ng COVID-19 ay maaaring makuha sa pagkatapos ng taon dahil may mga bakuna na binuo ng ibang mga bansa na kasalukuyang sumasailalim sa Phase 3.
Ipinaliwanag ni Domingo na sa ilalim ng Phase 1, halos 20 hanggang 100 ang nag-volunteer para masubukan ang gamot. Sa ilalim ng Phase 2, "a few hundred to a few thousands" at ang mga pasyente na posibleng magkaroon ng sakit ay nakikibahagi rin sa test.
Aabot naman sa 3,000 - 30,000 sa ilalim ng Phase 3, bago maaprubahan ng FDA.





Comments