top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Utol na rapist, ‘di kayang isumbong sa mga magulang

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2023
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig |Pebrero 6, 2023


Dear Sister Isabel,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, gayundin ang mga mahal n’yo sa buhay.


Hirap na hirap na ang kalooban ko dahil sa problemang dinadala ko sa kasalukuyan.


Pinagsamantalahan ako ng kuya ko dahil kami lang ang naiiwan sa bahay. Busy ang mga magulang namin sa negosyo, at umuuwi lang ang nanay ko nang isang beses sa isang buwan, habang naiiwan ang tatay ko sa Baguio para sa aming negosyo.


Hindi ko akalain na gagalawin ako ng kuya ko, gabi-gabi niya akong pinipilit na makipagtalik sa kanya at binabalaan ako na may masamang mangyayari sa akin kapag nagsumbong ako.


Sister, takot na takot ako sa banta niya at hindi ko alam ang gagawin. Tulungan n’yo ako sa mabigat na problemang kinakaharap ko sa kasalukuyan. Walang kaalam-alam ang mga magulang ko sa nangyayari dahil mahusay na umastang mabait ang kuya ko.


Umaasa akong mabibigyan n’yo ako ng kaukulang payo sa problema ko.


Nagpapasalamat,

Jean ng Mandaluyong City


Sa iyo, Jean,


Napakabigat ng problemang isinangguni mo sa akin. Mabuti na lang, hindi ka nabubuntis ng kuya mo. Gayunman, ipinapayo ko na lakasan mo ang iyong loob na magsabi sa tiyahin o best friend mo o sinumang tao na alam mong may malasakit sa iyo tungkol sa ginagawa ng kuya mo. Sila ang gagawa ng paraan para malaman ng parents mo ang nangyayari sa tuwing kayo lang ng kuya mo ang naiiwan sa bahay.


Gayundin, makikipag-usap sila nang maayos sa mga magulang mo sa paraang hindi sila mabibigla.


Gayunman, ihanda mo ang iyong sarili sa anumang kalalabasan ng pakikipag-usap nila sa mga magulang mo.


Sa kabilang banda, natitiyak kong magiging maayos ang lahat, pabor sa dinaranas mong pang-aabuso ng kuya mo dahil gagawa sila ng kaukulang hakbang. Pansamantala, makabubuting du’n ka muna tumira sa tita mo at umalis ka muna sa bahay n’yo bago mahuli ang lahat.


Lakip nito ang dalangin ko na maisaayos ang problema mo nang walang karahasang mangyayari.


Maging matatag ka, naniniwala ako na malalagpasan mo rin ‘yan.



Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page