top of page
Search
  • BULGAR

Utang ng mga magsasaka, burado na

@Editorial | July 8, 2023


Magandang balita sa mga magsasaka na nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang New Agrarian Emancipation Act.


Sa ilalim ng RA No. 11953, buburahin na ang lahat ng hindi nabayarang amortisasyon ng principal na utang kabilang ang interes at mga multa ng agrarian reform beneficiaries (ARB).


Maibabalik din sa mga orihinal na benepisyaryo ang mga awarded lands sa kanila na na-forfeit dahil sa kabiguan na makapagbayad.


Batay sa datos, nasa 610,054 agrarian reform beneficiaries ang makikinabang sa condonation.


Napag-alaman na nasa P57.56 bilyon ang hindi pa nababayarang mga prinsipal na utang.

Tatanggalin din ng kondonasyon ang mga mortgage lien sa mga iginawad na lupain at ang mga ARB ay hindi na rin pagbabayarin ng Estate Tax.


Habang ang mga ARB na nakabayad na ng buo ng kanilang utang bago ang condonation ay bibigyan ng prayoridad sa mga pasilidad na pautang at suportang serbisyo sa mga magsasaka.


Umaasa tayo na patuloy ang suporta at gagawin ng gobyerno ang lahat para matulungan ang mga ARB na makaahon sa kahirapan.


Bukod sa lupa, ang makalaya sa utang ang higit na makakatulong sa mga magsasaka para tuluyang makabangon mula sa pandemya, kalamidad at kahirapan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page