top of page

Usapin sa PUVMP, panahon na para bigyang-linaw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 25, 2024



Editorial


Hindi pa rin natatapos ang usapin sa kontrobersiyal na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).


Sa ngayon, plano ni Senate Committee on Public Services chairman Senador Raffy Tulfo na maghain ng resolusyon para suspendihin na muna ang pagpapatupad ng programa. Ito ay matapos imungkahi rin mismo ni Senate President Chiz Escudero ang pagpapaliban muna nito.


Para sa Senate President, hindi pinag-isipan, ‘di pinaghandaan at ‘di raw natanong ng nakaraang administrasyon ang sektor ng PUV sa pagpapatupad ng programang ito.

Si Escudero mismo, noong gobernador siya ng Sorsogon, ay hindi pumayag na maipatupad sa kanilang probinsya ang PUV modernization.


Binahagi pa ng Senate President na sa isang kooperatibang sumunod sa naturang programa, gumastos ito sa P300 milyon para bumili ng 40 hanggang 50 units ng modern jeep pero ngayon ay walo na lang ang natitirang operational.

Hindi rin pabor si Escudero na tila binubura ng modern jeep ang imahe ng iconic na traditional jeepneys.


Kumpiyansa ang Senate leader na kapag itinuloy nila ang pag-aapruba ng resolusyon na makikinig si Pangulong Bongbong Marcos sa kanilang magiging panawagan.


Tiwala rin ni Tulfo na susuportahan ng mga kapwa senador nila ang resolusyong ito.


Saan man mapunta ang usapin, umaasa tayo na ang magiging destinasyon ay para sa ikabubuti ng lahat -- tsuper, operator, komyuter at lahat ng mamamayan.


Sa haba ng diskusyon at gastos, panahon na para maging malinaw ang PUVMP. Ilatag ang lahat ng isyu at bigyang-linaw bago ipatigil o ituloy ang implementasyon.


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page