top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

US Ambassador Sung Kim, ginawaran ng Order of Sikatuna

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | September 8, 2020



Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw si US Ambassador Sung Y. Kim ng Order of Sikatuna matapos na magpaalam mula sa apat na taong paglilingkod nito bilang ambassador ng Pilipinas sa Amerika.


Pinuri ni Pangulong Duterte si Ambassador Kim sa naibahaging kontribusyon nito upang mapatibay ang samahan ng United States at Pilipinas. Sa iginawad na Order of Sikatuna sa ambassador, kabilang dito ang rank na Datu (Grand Cross) at Gold Distinction.


Gayundin, sa apat na taong pagseserbisyo ni Ambassador Kim, nagmarka nang husto sa relasyon ng dalawang bansa ang historic return ng Balangiga Bells sa Diocese ng Borongan, Eastern Samar noong Disyembre 2018.


Pinasalamatan naman ni Kim ang Pangulo sa mga nagdaang bilateral engagements ng dalawang bansa.


Tiniyak rin ng papaalis na diplomat na mananatili ang dedikasyon ng Amerika at lalo pang palalakasin ang relasyon nito sa Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page