top of page

Umpisahan ang 2021 kung paano maging positibo at pagandahin ang araw ng iba

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 9, 2021




Napapansin mo ba na parang ang mga tao sa paligid mo ay malulungkot? Sige habang binabasa mo ito, puwedeng sa’yo magsimula ang mas masayang work environment at gawin mong masaya ang lahat, sila man ay mga kaibigan o hindi kakilala.


1. Ngumiti, ngumiti at ngumiti. Kapag nakakita kasi ang ibang tao ng ngumingiti, nagpapaalala ito sa kanila na maaring mayroon silang rason para ngumiti na rin sa kanilang sarili, kaya higit silang magkakaroon ng masayang mood.


2. Batiin ang lahat ng makikita o masasalubong kahit may social distancing. Ito ay para maramdaman nila na sila ay napansin at natanggap sa naturang lugar.


3. Sorpresahin ang tao ng maliliit na klase ng regalo. Ang isang homemade cupcakes o isang pirasong doughnuts sa umaga ay tiyak na maghahatid sa kanila ng ngiti.


4. Mainam din na nagbibigay-papuri ka. Gusto ng tao na may napupuri ka sa kanila dahil alam nilang mas naalala mo sila.


5. Maging optimistiko, kung may isang bagay na nagkakamali sa isang tao, palitan agad ito ng positibo. Sabihin sa kanila kung paano ito alalahanin at pagagaanin ang lahat.


6. Kung siya ay isang kaibigan, maging balanse lamang. Magliliwanag ang kanyang araw, kung marunong kang kumontrol bumalanse ng sitwasyon.


7. Ang isang maliit na bagay lamang ay magsisilbing alaala sa kanya ay nakatutuwa na.


8. Tiyakin na ang isang tao na gusto mong pasayahin ay iyong gustong magkaroon ng magandang mood.


9. Tiyakin na hindi ka makasisira ng mood sa pagsasalita ng isang bagay tulad ng negatibo at malulungkot na bagay.


10. Tiyakin na hindi gusot ang iyong damit, pati na ang iyong mukha, dahil tatatak sa isipan ng iba na ganyan ka. Tiyakin naman na ang iyong suot na damit ay akma sa’yo at maging sa edad mo.


11. Bigyan ng kulay ang bawat susuutin o magdagdag ng accessories sa katawan kahit na naka-facemask. Puwedeng ayusin ang kilay dahil iyan lang naman ang normal na nakikita ngayon sa mukha. Ang isang mamahaling aksesorya ay maaaring nakaaakit at isang magandang impresyon. Huwag namang kalabisan at baka magbigay ito ng impresyon na ikaw ay mapagmataas na tao. Maging malikhain sa gagamiting mga bagay.


12. Kung papasok ka sa tanggapan ng iba ay ipadama mo ang iyong masayang aura. 13. Pumili ng isang mas atraktibong tao at batiin siya kahit na hindi niya nakikita ang iyong ngiti gayong naka-facemask ka. Kahit na walang gaanong tao sa loob. Natural na titingnan ka nila at malamang kapag nilingon ka uli at hinabol ka ng tingin, maganda ang impresyon nila sa’yo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page