top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Uminom ng gatas ng baka at ‘di pinagbilhan ang kapitbahay

BULGAR
Mar 30, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 30, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tony ng Batangas.


Dear Maestra,


Marami akong alagang baka rito sa probinsiya at ito ang pinagkakakitaan namin. Halos buong araw, pag-aalaga ng baka ang aking pinagkakaabalahan at pati sa pagtulog ay ito pa rin ang aking iniisip. Marahil, ‘yan ang dahilan kaya napanaginipan ko na ginagatasan ko ang mga baka namin, tapos marami akong nakuhang gatas.


Hindi ako nakatiis at ininom ko ang gatas dahil uhaw na uhaw ako at nakalimutan kong magdala ng tubig. Tapos dumating ‘yung kapitbahay ko at gusto niyang bumili ng gatas pero hindi ko siya pinagbilhan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Tony



Sa iyo, Tony,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na ginagatasan mo ang baka at ininom mo ‘yung gatas. Nangangahulugan ito ng kasaganaan at pag-unlad sa buhay kung saan tuloy-tuloy ang pag-asenso mo at yayaman ka na.


Sa kabilang dako, ang sabi mo ay dumating ang kapitbahay mo at gustong bumili ng gatas, pero hindi mo siya pinagbilhan. Mabuti na lang at hindi mo siya pinagbilhan dahil kung nagkataong pinagbilhan mo siya ng gatas, ang ibig sabihin nito ay kalungkutan. Daranas ka ng matinding lungkot sa iyong buhay at magiging mailap ang kaligayahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page