top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

TV host, naka-monitor pala kay idol! KRIS, IBINUKING NA 'DI NAG-UULIT NG RUBBER SHOES SI RAFFY TULFO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2020
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 31, 2020




Confirmed nang matutuloy ang show ni Kris Aquino sa TV5.


Napanood namin sa YouTube channel ng Isumbong Mo Kay Tulfo na magkausap sina Raffy Tulfo at Kris Aquino.


Nagkita ang dalawa nang pumunta ang Queen of All Media sa TV5 nu'ng July 29 para mag-shoot na ng kanyang pictorial for the show. Nasa conference room ng IMKT ang dalawa at doon nag-usap.


Tinanong ni Raffy kung kelan maeere ang show ni Kris na Love life with Kris. Ayon sa mahusay na TV host, Saturday (August 15) mapapanood ang kanyang show.


Habang nag-uusap sina Raffy at Kris, sinabi ng huli na hindi nag-uulit ng pagsusuot ng rubber shoes ang host ng Isumbong Mo Kay Tulfo. Pinapanood daw kasi niya ang programa ni Raffy at ‘yun ang kanyang napupuna. Maganda raw kasi ang collections ng sneakers nito.


Pinuri rin ng Queen of All Media si Raffy. Aniya, “If TV5 acknowledges, ang hari ay ikaw."


Humingi rin ng dispensa si Kris sa Tulfo brothers.


“No offense to your brothers, pero ikaw 'yung pinaka-gentleman.”


At nag-iba raw ang dynamics sa kanilang magkakapatid, dahil si Raffy ngayon ang pinakasikat among the Tulfo brothers.


Ang daming naaliw sa pag-uusap nina Raffy at Kris. Maraming netizens tuloy ang nagri-request na kahit 'di pa nagpa-pilot episode ang show ni Kris ay mag-brainstorming na ang TV5 management para pagsamahin sa isang show sina Kris at Raffy.


May chemistry daw ang dalawang hosts na tiyak tututukan ng kani-kanilang fans.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page