top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tumama sa lotto, pahiwatig ng pagkalugi sa negosyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 10, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Kenneth ng Roxas City.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyong lahat.


Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip na tataya ako sa lotto, kaya sumakay ako sa bisikleta para pumunta sa lotto outlet. Kinabukasan, tiningnan ko kung lumabas ‘yung mga numerong tinayaan ko, tapos napalundag ako sa tuwa dahil tumama ako sa lotto.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Kenneth


Sa iyo, Kenneth,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na tumaya ka sa lotto ay may gagampanan kang trabaho na delikado dahil may kaakibat itong panganib na kinakailangan mong isakripisyo ang iyong buhay.


Ang nanalo ka sa lotto ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng pagkalugi sa negosyo, kung saan mawawalan ka ng malaking kita dahil mababawasan ang mga suki mo.


Samantala, ang sumakay ka sa bisikleta papunta sa lotto outlet ay nangangahulugan ng mga hadlang o sagabal sa mga plano mo sa buhay. Nangangahulugan din ito na mababawasan na ang mga dating tumatangkilik sa iyong negosyo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page