top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tumakas sa mga terorista, babala ng gulo dahil sa mga kabarangay

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2022
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 11, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donato ng Ilocos Sur.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na tumatakas ako sa mga terorista na dumating sa lugar namin at nabulabog ang buong barangay. Kani-kanyang takas ang mga tao, habang umakyat ako sa mataas na building kasabay ng iba pang tumatakas. Nagpalipat-lipat kami sa bawat silid at para hindi ako makita ng humahabol sa amin, nagtalukbong ako ng itim na trapal sa isang kuwarto, gayundin ang mga kasama ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Donato



Sa iyo, Donato,


Ang ibig sabihin ng tumatakas ka sa mga terorista na dumating sa barangay n’yo ay may nagbabantang gulo sa buhay mo r’yan sa inyong lugar. Masasangkot ka sa isang pangyayaring kagagawan ng mga kabarangay mo at idadamay ka nila. Pero huwag kang mag-alala dahil malulusutan mo ito.


Samantala, ang sabi mo ay umakyat ka sa isang building kasabay ang iba pang tumatakas, hindi mo binanggit kung ano’ng klase ng building ang inakyat n’yo. Gayunman, kung bago ang naturang building, nangangahulugan ito ng pagbabago ng trabaho o hanapbuhay, pero kung luma at sira ang gusali, nagpapahiwatig ito ng pakikipaghiwalay sa karelasyon mo. Kung row houses, nangangahulugan ito na magiging maayos ang family life mo. Kung factory o rows of shops, nagpapahiwatig ito na magkaka-interes ka at magiging abala sa pagnenegosyo.


Tungkol sa nagtalukbong ka ng itim na trapal para hindi makita ng humahabol sa inyo ng mga kasamahan mo, ang kulay itim ay nagpapahiwatig ng mga hadlang sa iyong plano. Nahahadlangan nito ang paparating na suwerte, kaya hangga’t maaari ay umiwas kang gumamit o magsuot ng itim.


Nagpapahiwatig din ito ng negatibong pananaw sa buhay. Kaya kung gusto mong masagap ang magagandang bagay at magkaroon ng positibong pananaw sa buhay, kombinasyunan mo ang itim ng dilaw, orange, berde, pula at iba pang mapang-akit na kulay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page