top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tuloy ang kasal kahit may COVID!... COUNCILOR BF, NAMANHIKAN NA SA PAMILYA NI ALEX

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2, 2020
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 2, 2020




Sa kabila ng COVID-19 pandemic, tuloy na tuloy pa rin ang kasal ni Alex Gonzaga at ng boyfriend na si Mikee Morada and in fact, recently, ay naganap na ang pamamanhikan ng magulang ng huli.


Ipinost ni Alex sa kanyang YouTube vlog ang pamamanhikan kung saan ay opisyal nang nagkakilala ang mga magulang ng engaged couple. Ginanap ang “Pamamanhikan 2020” sa Taytay, Rizal sa bahay nina Alex, of course, at present ang lahat ng miyembro ng both families kabilang na sina Toni Gonzaga and husband Paul Soriano with their son, Seve.


Bungad ni Alex, nais daw niyang i-share sa kanyang mga subscribers ang nasabing importanteng event sa buhay niya in celebration of her YouTube vlog’s third anniversary.


Naghanda ng sumptuous dinner ang pamilya Gonzaga and as usual, si Alex ang live wire dahil sa kanyang kakalugan.


After the dinner at nag-alisan na ang mga bisita, humarap sa camera ang engaged couple at nagpasalamat.


Ipinaliwanag ni Alex na kahit may crisis ngayon ay siniguro naman daw nilang everyone’s safe.


“Malapit na po kaming magka-isang-dibdib,” anunsiyo ni Alex. “At finally, mami-meet na niya ang walwal ng Taytay. Pagkapatay ng ilaw, talagang walwalan na ‘to,” pagbibiro ng vlogger/actress.


Binati rin ni Alex ang mga taga-Lipa City kung saan ay nagsisilbi si Mikee bilang councilor.


“Mga taga-Lipa, kumusta ho kayo? Ako na po ang bago n’yong kababayan,” sey ni Alex.

Hahaha!


Ang lakas din ng tawa namin nang sabihin ni Alex kay Mikee, “Makikita mo na ang Yamashita Treasure ng Taytay. Sa gabing ‘yun, talagang masasabi ko sa ‘yo, isa ka sa pinagpala.”


Hahahaha! Panalo! For sure, alam n’yo naman kung ano ang ibig sabihin ni Alex kung bakit “pinagpala” si Mikee sa gabi ng kasal.


Anyway, hindi pa inanunsiyo ng engaged couple kung kailan ang kasal kaya abangan na lang natin ang kanilang next announcement.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page