top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tuloy ang biyahe ng mga PUV kahit ECQ

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2021
1 min read

@Editorial | March 30, 2021



Biyahe ng mga pampublikong transportasyon ang isa sa mga inaalala ng marami sa atin kasunod ng anunsiyong ibabalik sa isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, gayundin ang karatig lugar nito.


Gayunman, siniguro ng Department of Transportation (DOTr) walang tigil-pasada sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.


Patuloy anilang makasasakay ang mga authorized persons outside of residence (APOR) sa mga PUV pero kailangang sumunod sa mga ipinatutupad na minimum health standards, tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield.


Walang pagbabago sa aviation sector sa ipinatutupad na 30 percent capacity. Mananatili naman ang 1,500 na international inbound passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Samantala, 50 percent capacity naman ang ipatutupad sa maritime sector. Habang sa railways sector ay ipatutupad ang 20% hanggang 30% capacity sa lahat ng tren, kung saan 370 lamang na pasahero sa kada train set ng Light Rail Transit Line 1; 274 sa LRT 2 ; 372 pasahero sa Metro Rail Transit Line 3; at 310 naman sa Philippine National Railways (PNR).


Ang mga PUVs ay mayroon lamang 50% maximum allowable capacity.


Bagama’t papayagan ang pagpasok ng mga provincial bus sa mga border, kailangang point-to-point ang biyahe. At sa mga motorcycle taxis, APOR lamang ang papayagang pasahero.


Nilinaw din ng DOTr na sa kabila ng limitadong passenger capacity sa mga public transportation, walang ipatutupad na taas-pasahe at hindi rin kasama sa ipinatutupad curfew mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ang PUVs.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page