Tulak tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | June 13, 2022
NORTH COTABATO--Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Pikit.
Hindi pa pinangalanan ang suspek habang isinasailalim ito sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na bayan at dito nadakip ang drug pusher.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments