Tubig na nilagyan ng yelo, babala ng hirap at kalungkutan sa love life
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 25, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Manuel ng Pampanga.
Dear Maestra,
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at walang sakit na nararamdaman sa sandaling mabasa n’yo ang aking liham.
Napanaginipan ko na naglalaro kami ng best friend ko ng Chinese checkers, tapos nauhaw ako kaya kumuha ko ng tubig at nilagyan ko ito ng maraming yelo.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Manuel
Sa iyo, Manuel,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalaro kayo ng Chinese checkers ng best friend mo ay kulang ka sa tiwala sa iyong sarili. Mahina ang loob mong sumagupa sa mga problema sa buhay dahil nawawalan ka agad ng pag-asa. Gayunman, maging matatag, masipag at matiyaga ka kung gusto mong magkaroon ng katuparan ang iyong mga pangarap.
Samantala, sabi mo ay nakaramdam ka ng uhaw kaya kumuha ka ng tubig at nilagyan ito ng maraming yelo. Ito ay babala na daranas ka muna ng hirap, kakulangan sa pera, pakikipagtalo o pakikipag-away bago mapasaiyo ang minimithi mo. Nagpapahiwatig din ito ng kalungkutan sa larangan pag-ibig at pag-aasawa.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments