Trial domestic flight sa bagong terminal ng Clark Int’l Airport, isinagawa

ni Jasmin Joy Evangelista | December 20, 2021

Nagsagawa ng trial flight ang bagong passenger terminal ng Clark International Airport (CIA).
Isinagawa ang trial flight papuntang Cebu kasama ang nasa 130 na pasahero upang maplantsa ang sistema ng mga bagong pasilidad ng airport.
Ilan sa mga naransan ng mga travelers sa state of the art facilities dito ay ang high-tech features ng paliparan tulad ng check-in kiosks, automated bag-drops, contactless ordering system, automatic tray retrieval system at iba pa.
“These are trial flights so hindi pa siya signal na fully operational na yung terminal. It’s part of our airport readiness transport procedure where in tine-test natin 'yung system, tinetest natin 'yung kaalaman ng mga tao just to make sure na handa sila once na open na natin 'yung terminals,” ani Teri Flores, head ng corporate communications ng LIPAD (Luzon International Premier Airport Development Corporation).
Kailangang mag-scan ng QR code ng mga pasahero pagpasok sa airport at puwede nang mag-check in gamit ang smart phone. Kasama na rito ang flight selection, baggage check-in at printing ng mga boarding passes at luggage tags.
Ayon sa pamunuan, asahan na mas marami pang trials ang gagawin sa mga susunod na buwan bago tuluyang gawing fully operational na ang bagong terminal kung saan nasa 30,000 na pasahero kada araw ang inaasahang pupunta sa terminal pagpatak ng summer sa susunod na taon.





Comments