top of page

Travel tax sa economy class passengers, pinabubuwag ni Sen. Raffy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

by Info @Business News | January 13, 2026



Travel Tax - Raffy Tulfo FB

Photo: Raffy Tulfo / FB



Ipinanawagan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Raffy Tulfo ang agarang pagpasa ng kanyang panukalang batas na layong tanggalin ang travel tax na ipinapataw sa mga pasahero sa economy class patungo sa kahit saang bahagi ng mundo.


Giit ng senador, patuloy itong nagiging pasanin ng mga pasahero sa economy class, lalo na umano sa mga bumibiyahe ng may limitadong budget.


Bukod dito, mas lalo umano itong pinabibigat ng mataas na buwis na ipinapataw, kabilang ang income at consumption taxes.


Gayunpaman, nilinaw ni Tulfo na hindi layunin ng panukala na tuluyang buwagin ang travel tax dahil ipinapakita lamang nito ang mas makatarungang sistema sa pamamagitan ng pagpapanatili ng travel tax para sa mga pasaherong bumibiyahe sa business class o mas mataas pa na may mas kakayahang pinansyal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page