top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Travel line, ‘di kailangan para maging matagumpay sa pag-a-abroad

BULGAR
Jun 13, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 13, 2022




KATANUNGAN

  1. Wala akong Travel Line, pero lakas-loob pa rin akong nag-apply sa abroad. Marine Transportation ang natapos kong kurso at pangarap kong maging seaman.

  2. Sa palagay mo, matutupad ba ang pangarap kong mag-abroad o maging seaman at makakabili ba ako ng bahay at lupa sa panahong may asawa na ako?

  3. May girlfriend ako ngayon, pero hindi ako masyadong seryoso sa kanya at nakilala ko lang siya sa text. May iba pa bang babaeng darating sa buhay ko na seseryosohin ko at ihaharap sa altar?

KASAGUTAN

  1. Tunay ngang kahit walang Travel Line, puwede namang makapangibang-bansa ang isang indibidwal, lalo na sa panahon ngayong usong-uso ang pag-a-abroad. Sapagkat ang Travel Line na palagi nating tinatalakay ay para ma-tsek o magkaroon ng kasiguraduhang magiging mabunga at produktibo ang pangingibang-bansa na gagawin. At ito ay dapat makita sa mga taong hindi square hand o elementary type ang palad.

  2. Subalit kapag ang iyong palad ay elementary, primary o square type — na ang unang senyales o palatandaan bukod sa korteng parisukat ang palad — ay dapat kaunti lang ang guhit. Sila ang mga taong kahit walang Travel Line na naaaninag o nakikita sa kanilang palad ay nagsasabing, ang simpleng determinasyon na maabot ang kanilang layunin ay sapat upang ang lahat ng mga pangarap na ito ay magkatotoo.

  3. Sa kaso mo, Arcadio, bukod sa ikaw ay nagtataglay ng square type hand (Drawing A. at B. arrow a.), kapansin-pansing kusang lumawak ang Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na habang ikaw ay nagkakaedad, palawak nang palawak ang lugar o pook na iyong nasasakupan, kumbaga, hindi ka mapipirmi sa sinilangan mong bayan. Sa halip, maraming lugar at iba’t ibang bansa ang iyong mapupuntahan.

  4. Ang pag-aanalisang sa pagta-travel ka tunay na aasenso at magiging maligaya ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 29 sa zodiac sign na Aries, kung saan ang pakikihamok, pakikipagsapalaran sa iba’t ibang pook at bansa ay sadyang magiging bahagi ng iyong buhay hanggang ikaw ay tumanda. At sa iyong pagtanda, posibleng mag-abroad ka pa rin nang mag-abroad, hanggang sa tuloy-tuloy ka nang umunlad at yumaman.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Arcadio, ‘wag mo nang intindihin kung may Travel Line ka o wala dahil hindi na mahalaga ‘yun dahil muli, ikaw ay nagtataglay ng square o elementary type of hand (arrow a.). Gayundin, nagkataong lumawak ang sakop ng iyong Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow b.), kaya tiyak na ang magaganap— matutupad ang pangarap mong maging seaman.

  2. At habang patuloy kang naglalayag, tulad ng paglalayag mo sa karanasan ng buhay, aani ka ng sari-sari at makukulay na tagumpay, na sa bandang huli, ang mga paglalakbay ding ito ang mag-aahon sa iyo sa kahirapan at magdudulot ng ligaya at tuloy-tuloy na pagyaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page