top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Travel goal stop muna, manahimik sa bahay para iwas-COVID-19

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2021
1 min read

@Editorial | March 23, 2021



Nagsimula na kahapon ang pagbabawal sa pagpasok at paglabas ng Metro Manila, batay sa context ng bubble requirement ng national government.


Dahil nasa NCR ang outbreak ng COVID-19 virus minarapat ng national government na lakihan ang spread ng boundaries.


Layon nitong malimitahan ang paglabas-masok ng publiko sa Greater Manila Area para maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng COVID-19.


Pinapayagan lamang bumiyahe sa probinsiya kung essential at ang pinakamahalaga ay ang compliance sa LGU arrival requirement.


May mga checkpoints nang itinalaga sa loob at labas ng mga boundaries.


Ang pinapayagan namang pumasok ng Metro Manila ay ang mga essential workers lamang o mga authorized persons outside residence (APOR) kasama na rito ang mga delivery goods and services.


Dalawang linggo itong ipatutupad kaya hindi puwedeng makalabas ang sinuman sa NCR maliban na lamang kung may maipakitang ID na isa itong essential workers.


Apela sa publiko, huwag na lang munang bumiyahe para magbakasyon at manatili na lamang sa bahay ngayong Semana Santa.


Ipagpaliban muna ang ating travel goals. Unahin muna ang ating kaligtasan mula sa kalabang hindi nakikita. Tiis muna, manahimik sa bahay at maghanap ng ibang mapagkakaabalahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page