Trapik sa EDSA balik-normal na, malala na naman!
@Editorial | April 2, 2022
Aminado na ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sobra o excessive na ang volume ng mga sasakyan sa mga kalye sa National Capital Region (NCR).
Batay sa kanilang datos noong 2021, nasa 300,000 additional vehicles ang naitala sa buong bansa at nasa 70% dito ang bumibiyahe papasok ng Metro Manila.
Sa isinagawang Traffic Summit, sumang-ayon ang mga concerned agencies at stakeholders na panahon na para bawasan ang bilang ng mga sasakyan o kung hindi, i-spread out all throughout the day.
Inihayag din na sa ngayon ang EDSA Bus Carousel program ng gobyerno ay nagpaikli din sa biyahe ng mga commuters. Ang dating end-to-end travel time sa EDSA ay aabot hanggang two to three hours na naging one hour and 30 minutes at maximum na lang.
Sa ngayon, may mga options nang pinag-aaralan at posibleng ipatupad sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang bumalik sa normal o sa malalang sitwasyon ang trapik sa Kamaynilaan.
Ang lagi namang paalala sa ating mga motorista, komyuters, maging disiplinado, responsable at sumunod sa batas.
Kung lahat ng nasa kalsada ay maingat at marespeto, kahit paano ay mababawasan ang trapik dahil walang dagdag-problema.



Comments