Trak sumalpok sa 2 bahay, 7 sugatan

ni Mai Ancheta @News | September 24, 2026

Photo: Truck sumalpok sa bahay - BFP Station 4A Pagbilao Station
Sugatan ang pito katao matapos salpukin ng 10-wheeler wing van ang dalawang bahay sa national road, Brgy. Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon.
Batay sa report ng Pagbilao Municipal Police office, nag-overshoot ang wing van kaya tumagilid ito at kinaladkad ang metal barriers hanggang sa bumangga sa dalawang bahay.
Galing sa Tagum, Davao ang wing van na may kargang saging at patungo sana sa Urdaneta, Pangasinan nang mangyari ang insidente.
Sugatan ang driver ng trak at ang anim na residente ng dalawang bahay.
Agad na dinala ang mga biktima sa pagamutan para malapatan ng lunas.





Comments