top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Trabaho, higit na mas kailangan kesa ayuda

BULGAR
Oct 6, 2021
1 min read

@Editorial | October 06, 2021


Sa patuloy na pagharap sa mga epekto ng COVID-19 pandemic, ipinapanawagan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumanggap ng mga karagdagang beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.


Inihihirit din na suspindihin ang pag-‘graduate’ ng mga benepisaryo ng programa ngayong nagpapatuloy ang pandemya.


Batay sa Section 4 ng 4PS Act, hanggang pitong taon maaaring maging bahagi ng programa ang mga benepisaryo at maaaring irekomenda ng National Advisory Council (NAC) na dagdagan ang mga bilang ng mga nakikinabang sa programa depende sa sitwasyon.

Maaaring ikonsidera ang dagdag-benepisaryo, lalo’t marami talaga ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.


Kasabay nito, dapat ding i-review ang listahan ng mga nasa 4Ps, ganundin ang kabuuan ng sistema ar proseso ng pamamahagi nito. Matatandaang may mga reklamo noong tila hindi umano nababantayan ang listahan at may mga hindi naman karapat-dapat na mapasama pero, tumatanggap ng ayuda. Ganundin ang iba na halos wala talagang pantustos sa pamilya pero, hindi nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno.


Siguro, bago magdagdag ng benepisyaryo, i-review munang maigi ang listahan.


Pero, higit sa ayuda, trabaho ang kailangan ng mamamayan. Ito ang pinakamagandang maitutulong sa mga nawalan ng kabuhayan. Kailangang gumawa ng paraan ng ating gobyerno na makapagbukas ng mga oportunidad.


Taglay na ng mga Pinoy ang pagiging masipag, matiyaga, matalino at puno ng dedikasyon, ang kulang na lang ay pagkakataon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page