top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tokhang sa mga adik at tulak noon, tokhang naman sa mga inuubo ngayon!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2020
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 16, 2020



NOON, ADIK AT TULAK LANG ANG TINU-TOKHANG, NGAYON, PATI ANG MGA INUUBO, KAKATUKIN NA RIN!—Iniutos ni DILG Sec. Eduardo Año sa kapulisan na magbahay-bahay at sa anumang paraan daw ay dalhin sa mga isolation center ang mga may sintomas ng COVID-19.


Aba, estilong “tokhang” ‘yan, ha? Ang pagkakaiba nga lang, sa “war on drugs”, mga adik at tulak ang tinu-tokhang, pero ngayon ay ang mga inuubo na, boom!

◘◘◘


LIGA NG MGA ILEGALISTA SA QC—May liga o samahan na raw ngayon ang mga ilegalistang nag-o-operate ng jueteng sa Quezon City at ang mga miyembro raw nito ay sina “Tepang”, “Jessie”, “Brutus”, “Baby”, “Pening”, “Buyer”, “Dodong” at “Toto”.


Pambihirang mga ilegalista ito, nagtayo pa ng asosasyon sa QC, mga buwisit!


◘◘◘


KAPAG HINDI PINA-TOKHANG NINA MAYOR JOY AT GEN. MONTEJO ANG MGA NANRARAKET, BAKA LALONG LUMAGANAP SA QC ANG COVID-19—Sabi noon ni SMC President/CEO Ramon S. Ang, between life and money ay mas importante ang buhay kaysa sa pera kaya sinuportahan niya ang lockdown ng gobyerno at isinara niya ang ilan sa kanyang mga negosyo nang mag-umpisang manalasa ang COVID-19 sa bansa.


Sana, ganyan din ang paniniwala nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at QCPD Director Gen. Ronnie Montejo, ibig lamang nating sabihin, ipahuli nila lahat ng mga ilegalista sa QC na namemera sa raket na jueteng kasi sa ginagawang pagbabahay-bahay ng mga kubrador para magpataya, maaaring lumaganap ang deadly virus na ikamatay ng mga residente sa lungsod, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page