Todo-pa-selfie pa rin daw sa beauty queen... PINOY ABROAD, WA' PAKI SA MGA IBINULGAR NA BAHO NI PIA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 9, 2020

Nakakatuwang malaman na isa na namang Pinay ang gumawa ng pangalan at kinikilala ngayon sa Los Angeles, California, USA dahil sa kanyang negosyo na take note, hindi na lang basta mga kapwa Pilipino ang tumatangkilik kundi maging ang iba't ibang lahi sa buong mundo!
Yes, true! Na-meet namin kahapon via Zoom mediacon ang CEO and founder ng O Skin Med Spa na si Ms. Olivia Quido-Co na 16 years muna ang ginugol bago tuluyang naging successful at tinangkilik ang kanyang mga beauty and skin care products sa USA.
Kuwento niya, nu'ng nag-uumpisa pa lang siyang ipakilala ang kanyang mga produkto, naranasan pa niyang mamudmod ng mga fliers sa Amerika. Pero akalain mo 'yan, isang araw, bigla raw dininig ni Lord ang kanyang mga prayers kaya dumating sa punto na pati ang mga kandidata ng Miss Universe ay skin care products niya ang ginamit, bukod pa sa mga Hollywood celebrities na tumatangkilik na rin ngayon sa kanyang produkto dahil napatunayan kung gaano raw ito ka-effective.
At mismong si Miss Universe Pia Wurtzbach ay nakuhang endorser ni Ms. O (tawag kay Ms. Olivia), bukod pa sa mga nauna niyang endorsers na sina KC Concepcion at Boy Abunda.
Tuwang-tuwa nga kahapon si Ms. O habang ikinukuwento na tuwing nasa US si Pia, hindi puwedeng hindi pumunta sa kanyang spa para i-avail ang kanilang mga services at magpaganda.
At si Ms. O raw mismo ang nagpe-facial kay Pia na ang liit-liit daw ng mukha at walang bahaging hindi maganda mula ulo hanggang paa. 'Ika nga, perfect... diyosa!
At dahil controversial ngayon si Pia, natanong namin si Ms. O kung nakakaapekto ba sa image nito bilang endorser ang mga ibinato ritong isyu ng kapatid na si Sarah Manze.
Aniya, nabasa niya rin ang post ni Pia na nakikiusap itong maghinay-hinay sa paghuhusga sa kapatid, pero hanggang du'n lang daw ang alam niya at aalamin pa lang ang buong issue.
Sila raw kasing mga Pinoy sa USA, hindi naman laging updated sa mga issue rito sa 'Pinas, kaya 'yung mga OFWs nga raw natin du'n, walang pakialam sa mga issue ng mga artista at kapag nakita ang mga ito nang personal, nagkukumahog magpa-selfie siyempre.
Samantala, nilinaw naman ni Ms. O na kaya 1 year lang ang itinagal ng contract sa kanila ni KC Concepcion bilang endorser ng isang product niyang Secret Glow ay dahil nag-focus at nag-invest daw siya more on sa isang event kung saan mga taga-Hollywood ang nandu'n para mas makilala ang kanyang mga products.
Pero until now, friends sila ni KC at nag-guest pa nga si Ms. O sa Kitchen Collabs ng aktres-TV host sa online show nito.
Anyway, nasabi ni Ms. Olivia na wala pa siyang balak sa ngayon na magtayo ng branch ng kanyang O Skin Med Spa sa 'Pinas dahil ang gusto niya if ever ay hands-on siya. Eh, sa ngayon, du'n siya sa main branch niya sa Southern California naka-focus kung saan may services sila like facial, 3D eyebrow sculpting, IV glutathione, Botox and fillers, Stem Cell rejuvenation, Plasma lift at ang bago nilang innovation, ang “Magic foundation”.
Although, ang mga skin care products daw niya ay dini-distribute na ngayon sa Pilipinas at i-check lang ang FB account at website ng O Skin Med Spa para malaman kung paano makaka-avail.
SARAH, UMAMING NAPABILIS ANG PAGTANDA NANG MAGPAKASAL KAY MATTEO

KAYA naman pala ang sipag-sipag mag-bake ngayon ni Pop Star Sarah Geronimo at ginawa pa nilang online business ng mister na si Matteo Guidicelli ang pagbebenta ng cakes ay dahil super-happy siya sa paggamit ng bago niyang ineendorsong Hanabishi stand mixer.
Ang bongga ni Sarah dahil kahit pandemic, nagkaroon ng bagong endorsement at nakakatuwa na kahit misis na siya ngayon, mabenta pa rin siya bilang endorser.
Aminado naman si Sarah na malaking adjustment para sa kanya ang pagpasok sa buhay may-asawa. Aniya, marami siyang pagsubok na hinarap pero sa tulong ng kanyang mga katuwang sa buhay kasama na ang kanyang mister na si Matteo, nakaya niya ang lahat ng ito.
“Everything is an adjustment period. Feeling ko, napabilis ang adulting ko,” aniya.
Ngayong misis na siya, hands-on na nga siya sa kusina at siyempre, kailangan niya laging paghandaan ang meal plan nila para healthy and busog lagi ang kanyang mister na pihikan pala sa food.
Kaya super happy si Sarah na tamang-tama ang bago niyang endorsement na Hanabishi stand mixer at hand mixer na gamit na gamit niya sa paghahanda ng pagkain at mga cakes na bine-bake niya.
Sobrang happy din naman si Cherish Ong-Chua, ang Vice-President for Finance and Marketing ng Hanabishi Appliances sa kanilang partnership kay Sarah G.
“We are happy to be able to continue our partnership with Sarah. We are glad Sarah can connect to our market, the young female homemakers, who are looking for appliances that they can rely on for their everyday and business needs. For the past months, we have experienced a surge in interest from those who are starting home-based businesses, and we are really happy that they have chosen our products to help them kick start their entrepreneurial endeavors,” aniya.
Ang Praktikal Na Kapartner video ni Sarah ay mapapanood sa official Hanabishi page sa





Comments