top of page

Todo-ngiti pa rin kasama sina Lotlot, Kiko at Kenneth… MATET: ETO ANG MGA AMPON NA WALANG MANA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Lucille Galon @Special Article | April 23, 2026



Todo-ngiti pa rin kasama sina Lotlot, Kiko at Kenneth…
MATET: ETO ANG MGA AMPON NA WALANG MANA

Photo: FB / Matet



Mukhang dedma nga sa mga bashers si Matet de Leon matapos niyang ibahagi ang isang happy photo kasama ang kanyang mga kapatid na sina Lotlot de Leon, Kenneth, at Kiko, pawang mga ampon ng yumaong National Artist at Superstar na si Nora Aunor.


Sa kanyang Facebook (FB) post, nagbiro si Matet na may pagka-cryptic na caption, “Post ko lang uli. Eto nga pala ang ngiti ng mga ampon na walang mana (emoji with shades emoji). Mukha ba kaming may pake? (laughing emoji).”


Game namang sumabay sa kulitan si Lotlot sa comment section at sinabing, “Dami ko tawa. Hahahaha!” na sinagot naman ni Matet ng “Oh ‘di ba, ‘Te, tawa tayo nang tawa.”

Nag-ugat ang isyu matapos linawin ng kapatid nilang si Ian de Leon na siya ang sole legal heir ng kanilang ina, bagay na lalong nagpainit sa usapin tungkol sa mana at pamilya. 


Ayon kay Ian, responsibilidad niyang pangalagaan ang legacy ng Superstar, habang si Lotlot naman ay piniling umiwas sa usapin ng pera at hindi naghahangad ng anumang pamana. 


Tawang-tawa naman ang mga netizens sa post ni Matet de Leon, good vibes kesa drama ang atake. Hahaha!





‘Di raw sangkot sa flood control, Heart…

PIA, MAS MAY ‘K’ DAW MAG-ENDORSE NG LUXURY BRANDS



MULING umingay sa social media ang pangalan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos umugong ang panawagan ng ilang netizens na mas lalo pa siyang bigyan ng malalaking endorsements at luxury brand deals.


Ayon sa mga netizens, ‘deserving’ si Pia dahil sa kanyang world-class beauty, elegance, at dala niyang karangalan bilang Miss Universe, na hanggang ngayon ay isa pa rin sa ipinagmamalaki ng Pilipinas. 


Dagdag pa ng iba, malinis umano ang kanyang pangalan at hindi nasangkot sa malawakang isyu ng flood control scam kaya swak na swak siyang maging mukha ng international brands.


Well, lagi na lang umanong ikinukumpara si Pia kay Heart Evangelista, na lagi ring present sa mga fashion shows at giit ng mga fans nito, ‘trying hard’ si Pia.


May mga nagsasabing mas established na raw si Heart sa international fashion scene, habang giit naman ng kampo ni Pia, iba ang kanyang ‘Miss Universe appeal’ na may sariling market at following.


For sure, hindi pa matatapos ang isyu na ‘to anytime soon.





KAMPO NI SARAH, NAGSALITA NA SA HIRIT NA IBOTO SIYA SA ELEKSIYON



NILINAW ng G Productions ang kumakalat na video ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na hindi nito ineendorso si Vice-President (VP) Sara Duterte para sa pagka-presidente sa 2028 matapos mag-dialogue si Sarah na “Iboto n'yo ko sa eleksiyon” na waring ginaya si VP Sara.


Iginigiit ng kanyang kampo na ang lahat ay na-misinterpret lamang. 

Narito ang buong pahayag ng G Productions:


“We have seen a few clips making the rounds suggesting that Sarah is gearing up for the next election, or at least testing the waters.


“For context: the video came from a live event where, as part of her closing spiel, Sarah playfully asked the audience to vote for her in the next election. It was a lighthearted moment meant purely for fun and crowd interaction.


“Sarah is exactly where she wants to be — on stage, doing what she loves, and inspiring people through her talent and artistry.


“We kindly ask everyone to enjoy the moment for what it was and resist adding any political color to an onstage joke.”


Sa huli, malinaw ang panig ng kampo ng Popstar, isang simpleng biro lamang ang lahat, at walang bahid ng pulitika ang naturang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page