top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Todo-bigay ng katawan sa mga nagiging BF pero ‘di seryoso...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2020
  • 2 min read

gusto nang magpakatino pero gagantihan ng kapalaran

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| July 20, 2020




KATANUNGAN

  1. Seventeen years old ako nang mawala ang aking pagkababae sanhi ng pagiging mapusok namin ng boyfriend ko noon sa aming probinsya, pero nang lumaon ay nagkahiwalay din kami. Mula noon, nawalan na ako ng tiwala sa mga lalaki pero nagka-boyfriend pa rin ako, hindi na para umibig kundi para maghiganti. Maraming beses ko ring naibigay ang aking pagkababae upang pagkatapos ay layuan ko sila, maghabol sa akin at may iba pa na umiiyak talaga dahil sobra nila akong minahal.

  2. Sa ngayon, dalawa ang boyfriend ko. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang magseseryoso sa akin. Sa edad kong 23, sawa na ako sa pagkadalaga at gusto ko nang mag-asawa at magkaroon ng maayos na pamilya.

  3. Subalit ang pangamba ko ay baka hindi rin ako seryosohin ng dalawang BF ko dahil hindi na ako virgin nang makuha nila ako. Sa inyong palagay, Maestro, sa panahon ngayon, may mga lalaki pa bang nagpapahalaga sa virginity ng isang babae?

  4. Sa nakikita n’yo sa aking mga palad, may maligaya bang pag-aasawa na mangyayari kahit na maraming lalaki akong pinaluha at pinaglaruan?

KASAGUTAN

  1. Ang totoo, hindi rin masasabing pinaglaruan mo ang mga lalaking nakarelasyon mo, pinaasa, pinatikim ng iyong pagkababae at binalewala mo rin. Sa halip, hindi lang ikaw ang naglaro dahil pati sila ay ganundin. Matapos ng inyong relasyon, pare-pareho naman kayong nawalan at maaaring ang mga lalaking sinabi mong pinaglaruan mo ay nakatagpo na ngayon ng matino at okey na pamilya, habang ikaw na naglalaro ngayon ay nand’yan pa rin at nagiisa, naghahanap at umaasa na magkakaroon din ng masayang pamilya balang-araw.

  2. Samantala, kapansin-pansing matapos mawasak at masira nang tuluyan ang Venus Line (Drawing A. at B. V-V) na tinatawag ding Guhit ng Kamunduhan (arrow a.), kasabay nitong nagka-bilog at nagkalagut-lagot ang ilang mahahalagang bahagi ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na matapos mawala ang iyong virginity, tulad ng iyong ginawa at hinayaang mangyari, kasunod ng pagkasira ng puri, ang puso at damdamin mo naman ang hinayaan mong malunod sa mundo ng ka-immoralan at kawalan ng pagpapahalaga sa iyong pagkababae. Sa bandang huli, tulad ng iyong inaasahan, ang nagulo at nabiyak ding kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing may lalaki mang magpakasal at umibig sa iyo, sa pagkawasak ng pamilya at paghihiwalay din hahantong ang lahat. Ang magiging bunga ng inyong pagmamahalan o ang iyong mga magiging anak ay makararanas ng wasak o broken family.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Mara, makapag-aasawa ka at magkaka-anak. Ngunit dahil sa ginawa mong paglalaro, hindi lamang sa mga lalaki kundi sa mga nakaraan mong pag-ibig kung saan ginawa mong laruan ang iyong sariling katawan at damdamin, dahil pinipigil mong umibig nang tunay mananaig ang nawasak at pumangit na Marriage Line (1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Sa pagkakatong ito, ikaw naman ang bibiruin at paglalaruan ng tadhana dahil tuluyan ding mawawasak ang itatayo mong pamilya. Gayundin, talagang mangyayari ito kung hindi mo susubukang muling magpakatino sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page