Titser, namigay ng TV sa mga estudyante matuto lang
- BULGAR

- Sep 10, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | September 10, 2020

Dahil sa bagong pamamaraan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya kung saan home schooling o online class na ang uso, hindi lahat ng mag-aaral ay makakapag-aral dahil sa kakulangan ng gamit para rito.
Kaya, kahanga-hanga ang ginawa ng isang guro sa Veracruz, Mexico na si Eliana Montiel, dahil naisipan nitong manawagan ng donasyon ng mga lumang telebisyon upang ibigay sa kanyang mga estudyante. Nais ng guro na walang maiwan at lahat ay makasabay sa bagong paraan ng pag-aaral.
"What I always try to do is to ensure that no student is left behind, that everyone advances, each according to his or her own pace of learning, but that no one is left behind, and even less so because of economic circumstances when we can find a way to support them and we are able to do it," sabi ni Eliana Montiel.
Isa sa mga binigyan ni Montiel ng telebisyon ay ang kanyang estudyanteng 8-anyos na si Jesús Castellanos, at laking tuwa nito dahil personal pang inihatid sa kanilang bahay ng kanyang gurong si Montiel.
"She has brought a TV so that I can do my homework, so that I don't skip my homework. I am very grateful to my teacher," sabi ni Castellano.





Comments