Tips para mas makatulong kung nakapisan ka sa ibang bahay
- BULGAR

- Oct 6, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 6, 2020

May ibang tao na humihiling na pumirmi muna sa kamag-anak, kaibigan o ibang tao bunga ng ilang kadahilanan. Pero paano nga ba makatulong sa ibang bahay na hindi ka naman parang akala mo ay bisita na kung umasta at wala ka nang ibang gagawin kundi ang tumunganga. Nakakahiya naman sa may-ari ng bahay, kahit kadugo mo pa sila ay hindi maiaalis na kailangan din nila nang taong nakakatulong sa kanila sa ilang gawaing-bahay.
May ibang tao naman na natural nang matulungin at marunong makisama, kaya nakatutuwang, natural na ang bagay na ito sa kanya.
Gayunman, iilan lang kung paano maging matulungin nang hindi makaka-offend. Hindi naman kasi lahat ng tao ay nanghihingi naman ng tulong. Mas komportable sila sa pagbigay ng tulong at pagtanggap ng tulong. Kaya naman kailangan nating mapigura kung paano maging matulungin at makumbinse naman ang iba sa tulong mo.
Basahin para matutunan kung paano makatulong.
1. Magtanong kung paano ka makatutulong. Ang pinakamakadaling paraan para makatulong ay magtanong. Halimbawang may binabalak silang pa-birthday at maghahanda sila. Unang isang bagay na sasabihin mo dapat ay, "Is there anything I can do to help." Marami naman kasi ang sasagot diyan na “Okey lang” dahil akala lang nila ay hindi ka sinsero pero may ilan naman ay magsasabi kaagad kung ano ang puwede mong maitulong.
2. Mag-obserba at tingnan kung mayroon kang mga bagay na kailangang gawin. Muli, nasa bahay ka na ng iyong kaibigan at napansin mo na hindi nakaayos mabuti ang kanyang mesa, kaya kaswal mong sasabihin na, “ kung saan mo gustong ilagay ang iyong mesa ay tutulong ako na maiayos ito.” At least kahit paano ay may kaunting pagkukusa ang naturang pagbibigay ng tulong.
3. Tumulong na maglinis ng mesa. Marami ang naa-appreciate ang tulong, ang iba naman ay nahihiya dahil bisita ka. Gayunman, kung magkukusa kang tumulong kaagad, at least makikita nila ang iyong pagiging matulungin.
4. Kumilos na parang at home. Kung pupunta ka sa isang kaibigan, huwag ka lang basta na lang tatayo sa naturang seremonya o uupo, kundi kumilos ka na agad kung ano ang puwedeng gawin at ialok din sa iba o kumuha ka na nang makakain mo kung nais mo. Kung tinanong ka sa gusto mong inumin, huwag kang basta na sasagot na “oo” sa halip ay sabihing “oo, salamat, sige ako na lamang ang kukuha nang para sa akin. “ Sa paraang ito at least humingi ka muna ng permiso at ang maging matulungin na rin dahil diyan lalo na kung ang host ay marami pang ibang gagawin at aatupagin at malaking bagay nang matulungan mo siya sa ganitong estado.
5. Gawin ang simpleng hakbang na ito sa iba pang mga sitwasyon. Ito ang pinakamadaling paraan upang mas maging matulungin. Unawain ang sitwasyon at alamin ang mga kailangang gawin pa at mag-alok na kung puwede ay ikaw na ang gumawa at kailangang masabi rin sa may-ari ng bahay anuman ang iyong mga gagawin.








Comments