Tips para maprotektahan ang sarili
- BULGAR

- Jul 22, 2020
- 2 min read
ni Twincle Esquierdo | July 22, 2020

Ngayong panahon ng pandemya lahat tayo pati na rin ang pamahalaan ay nag-iisip at gumagawa ng paraan kung papaano tayo magiging ligtas. Isa na rito ang pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon, paglayo sa tao ng 1 metro o social distancing.
Kaya naman sa ganitong paraan ay maiiwasan natin ang mabilis na pagkalat ng sakit at para naman sa mga health professionals ay may dagdag proteksiyon para sa kanila tulad ng pagsuot ng personal protective equipment (PPE).
Ayon kay VP for operations of PPE supplier Practico Solutions Int'l Inc, Natalya Palaca, "protects you from any hazard encounter from any droplets that would enter and it's a prevention for any transmission of virus." Kaya narito ang iba’t ibang klase ng PPE.
Dress type with hood. Ito ang madalas na ginagamit ng mga doktor at nars sa mga ospital at dinesenyo ito para mabilis tanggalin o suotin kapag gagamit ng kubeta, ang hood naman ay magagamit tuwing tagulan.
Turtleneck overlap. Isang uri ng PPE na mukang dress na mula sa leeg ang proteksiyon, maglalagay na lamang ng mask o faceshield para maprotektahan ang bibig, ilong at mata. Isa rin ito sa mga nakikita natin sa mga pribadong ospital, ayon pa kay Natalya, madalas itong ginagamit ng mga dentista at madali rin itong tanggalin. Nagbigay rin siya ng paalala na magsuot ng kahit anong damit bago magsuot ng PPE.
Stylish turtleneck PPE jacket. May pagkakahalintulad ito sa Turtleneck overlap kakailanganin din ng facemask o faceshield at pang ibabang bahagi naman ay puwede na ang kahit ano upang maprotektahan ang pambabang bahagii ng katawan. Madalas naman itong isinusuot ng mga taga-opisina at ginagawang casual wear.
Two piece PPE with side pockets. Para sa mas moderong itchura. Buong bahagi ng katawan ay protektado ng PPE hindi na rin kailangan magdala ng bag para sa mga malilit na gamit tulad ng celpon o coinpurse dahil may mga bulsa at puwedeng i-tuck-in sa pants. Ayon kay Natalya, ginagamit din ito bilang alternatibo scrub suit sa loob ng emergency room.
Barong type PPE. Puwede itong gamitin sa kahit ano at kahit saan puwera lamang tuwing may meeting, litigations at iba pang formal gatherings. Katulad din ng ibang PPE’s ito ay water-repellant para maprotektahan ang sinumang sumusuot nito.
Kaya naman sa lahat ng mamamayan kung nais n’yo ring maprotekthan ang inyong sarili ay sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan upang maiwasan ang kumakalat na sakit at kung nais n’yo rin naman na magsuot ng PPE ay may mabibili sa mga supermarket o online shop. Palagi po tayong mag-ingat mga ka-BULGAR.





Comments