top of page

Tips para mapangalagaan ang sarili ngayong holiday season

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 24, 2020
  • 2 min read

ni Justine Daguno - @Life and Style | December 24, 2020


ree


Hindi naging madali para sa bawat isa ang kasalukuyang taon, kung saan kaliwa’t kanang dumating ang mga hindi inaasahang pangyayari na talagang sumubok sa ating katatagan.


Panigurado, marami sa atin ang nakararanas ng not-so-merry emotions ngayong holiday season, na ayon sa mga eksperto ay hindi malabong mangyari.


Well, anu-ano nga ba ang mga paraan o “little ways” upang mapangalagaan ang sarili at hindi malugmok ngayong holiday season?


1. MAGKAROON NG MALASAKIT SA SARILI. Marami tayong puwedeng makausap tungkol sa ating problema. Mayroon tayong mga kaibigan, pamilya o sinumang mahal sa buhay ang puwedeng magmalasakit sa atin. Pero iba pa rin kapag ikaw mismo ang gumagawa nito sa iyong sarili. Magkaroon ng malasakit sa sarili, iwasan o ‘wag hayaang manatili sa anumang bagay na nakakapagpabigat ng iyong kalooban.


2. ‘WAG KALIMUTAN ANG “QUALITY SELF-CARE”. Bawat isa ay may kani-kanyang paraan ng pag-aalaga sa sarili. Marahil, ito ay pagbili ng mga bagay na kailangan o matagal nang gusto, pagpunta sa mga lugar kung saan meron tayong ‘peace of mind’ o ‘yung simpleng pagkain ng mga paborito mong pagkain. Ngayong Kapaskuhan, hindi kalabisan na bigyang-pansin ang sariling kapakanan.


3. BONDING TIME KASAMA ANG MGA MAHAL SA BUHAY. Iba’t ibang emosyon ang naranasan natin ngayong taon, may pagkakataong akala natin oks na, tapos hindi pa pala. Isa sa mga paraan upang maiwasan ito ay ang i-distract ang sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ‘bonding moments’ kasama ang mga mahal sa buhay. Bukod sa pansamantalang malilibang at mapapasaya ang sarili, sobrang oks nito dahil paniguradong makapagpapasaya rin tayo ng iba.


4. HUWAG MASYADONG MAG-EXPECT. Isa sa mga dahilan kung bakit tayo mas nahihirapan sa krisis na ating nararanasan ay dahil masyado tayong nag-e-expect na malayo naman sa reyalidad. Walang masamang umasa sa mga bagay-bagay, pero lahat ay may limitasyon, siguraduhing ang expectations ay malapit ito sa katotohanan.


5. MAG-SET NG BOUNDARIES. Kung meron mang higit na nakakakilala sa atin, walang iba kundi tayo rin mismo. Makatutulong ang pagkakaroon ng boundaries upang makontrol ang expectations. Alamin kung hanggang saan lang dapat ang ibigay at gawin, ‘wag puwersahin ang mga bagay dahil hindi madaling i-handle ang mga disappointments sa buhay.


‘Ika nga, tayo ay humaharap sa ‘most trying’ year, kaya’t normal lang mapagod o magkaroon ng hindi magandang pakiramdam. Pero tandaan na ang Pasko at Bagong Taon ay hindi lamang basta okasyon na may maraming pagkain at happy-happy, sumisimbolo rin ito sa ‘pag-asa’ na sobrang kailangan ng bawat isa. Merry Christmas and Happy New Year, mga ka-BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page