top of page

Tips para maging productive sa trabaho gamit ang self-care practices

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 17, 2020
  • 2 min read

ni Jersy Sanchez - @No Problem| November 17, 2020


ree


Sa panahon ngayon, parang napakalaking achievement na mapagsabay ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa sarili o “self-care”. Karamihan kasi sa atin, sobrang tutok sa trabaho, kaya gustuhin mang mag-recharge o magpahinga, hindi puwede dahil maraming demand ang trabaho. Minsan pa, nakapagpahinga o naalagaan mo nga ang iyong sarili, napababayaan naman ang trabaho.


Kaya ang tanong ng marami, paano babalansehin ang magandang performance o pagiging produktibo sa trabaho nang hindi napababayaan ang sarili? Narito ang ilang self-care practices na nakatutulong sa ating productivity:


  1. TAKE MORE BREAKS. Ayon sa isang survey noong 2019, ang pagkakaroon ng mas maraming break time sa trabaho ay nakatulong upang maging produktibo ang mga empleyado. Base sa 90% ng sumagot sa survey, mas “refreshed” at handa silang magtrabaho ‘pag nag-break time sila sa ibang lugar o ‘pag wala sa kanilang work desk o station. Kaya mga besh, ‘pag may sandamakmak kayong work load, mas mabuting mag-break o lumayo muna sa station kung kakain at magrelaks para matulungan ang katawan at isipan na mag-recharge.

  2. UNAHIN ANG AYAW GAWIN. Lahat tayo ay may kani-kanyang “energy pattern” araw-araw. Kung ikaw ay ‘yung tipo ng tao na energetic sa umaga, gamitin ang enerhiyang ito sa mga bagay na ‘di mo paboritong gawin. Sa ganitong paraan, ‘pag unti-unti nang nabawasan ang iyong energy, alam mong exciting o masaya naman ang mga susunod mong gagawin.

  3. MAGLAAN NG ORAS SA HOBBY. Sa totoo lang, nakakapagod isipin na kailangan nating maging produktibo araw-araw dahil sa trabaho. Gayunman, ang paglalaan ng maraming oras para sa hobby ay nakapagpapaganda ng mental health, gayundin, nakatutulong ito para mas maging productive sa trabaho sa pamamagitan ng pagre-recharge ng mental health energy level at happiness. Para makapagpokus sa mga bagay na gusto mong gawin, kailangan mong mag-ipon ng emotional energy para magawa ang mga bagay na hindi mo gaano gustong gawin.

  4. GUMAWA NG MAGANDANG TO-DO LIST. Ayon sa isang article na nai-publish noong 2015 sa journal na Nature, the more na gusto mo ang iyong workspace, mas magiging productive ka. Ito ay dahil ang mga aesthetically pleasing offices at work environment ay nag-i-stimulate ng emotional investment sa iyong mga task, na nagreresulta ng productivity. Kaya hindi mo man kontrolado ang physical space kung saan ka nagtatrabaho, puwede mong kontrolin ang maliliit na detalye tulad ng disenyo ng iyong to-do list.

  5. MAG-STRETCHING. Ang pag-stretching ay hindi lang para sa mga taong flexible. Ang simpleng pag-stretch ng iyong mga braso habang nakaupo ay maaaring makapagbigay ng benepisyo ng pag-i-stretching habang nasa trabaho.

  6. SET BOUNDARIES. Kung wala ka naman sa trabaho, puwede mong ilabas ang iyong frustrations dito. Pero kung gusto mong maghanap ng oras para sa iyong sarili, mabuting ‘wag munang isipin ang trabaho dahil makatutulong ito sa overall productivity. ‘Ika nga, dapat magkaroon ng boundaries ang social life at trabaho. Ang pagme-maintain ng boundaries sa personal na buhay at trabaho ay nakatutulong para ma-“unplug” at ma-clear ang iyong isipan at katawan.


For sure, kayang-kaya n’yo ‘tong gawin, mga besh. Kung feeling n’yo ay mahirap, puwede naman itong subukan kahit sa maliliit na hakbang dahil ang importante, sinusubukan natin.


Hindi naman masamang alagaan ang ating sarili dahil ito naman ang dapat. Kaya kung nagdadalawang-isip ka pa, beshy, gawin mo na. Keri?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page