top of page

Tips para hindi maging toxic

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2020
  • 2 min read

ni Jersy Sanchez - @Life and Style| July 12, 2020




Sa dami ng problema sa mundo, hindi na natin kailangang dumagdag pa sa pamamagitan ng pagiging toxic. Well, lahat naman tayo ay ayaw maging toxic, pero paano nga ba maiiwasan na umabot sa puntong ito?

  1. ‘WAG GAWAN NG ISYU ANG BAWAT BAGAY. Ang problema kasi sa atin bawat kilos, ginagawan ng isyu. Tipong hindi naman tayo apektado, pero todo-gawa ng isyu dahil hindi natin bet ‘yung tao. Agree? Mga bes, 2020 na, kaya ‘wag tayong ma-issue, lalo na sa buhay ng iba.

  2. ‘WAG BASTA-BASTANG MAG-REACT. Minsan, mabilis tayong nagre-react sa mga bagay-bagay nang hindi natin iniintindi ang sitwasyon o narinig natin. Ang nangyayari tuloy, nauuwi sa hindi pagkakaintindihan at ang masaklap, nauuwi pa sa away. Sa totoo lang, hindi naman natin kailangang magreact agad dahil mas mahalagang maunawaan muna natin ang sitwasyon para makapag-react nang tama

  3. MAGING SUPPORTIVE. Kung gustong magsimula ng business ng kaibigan mo, suportahan mo siya. Kung gustong matuto ni nanay ng mga bagong recipe, sabayan siyang pag-aralan ito. Kung struggling o hirap sa pag-aaral si bunso, magtanong kung paano ka makatutulong. Ang pagiging supportive ay puwedeng ipakita sa iba’t ibang paraan dahil mahalagang malaman nila na nar’yan ka para sa kanila along the way.

  4. UMAMIN SA PAGKAKAMALI. For sure, maraming guilty dito. Mahirap talagang aminin ang pagkakamali dahil masakit sa pride natin, pero mas mahirap kapag naghanap ka ng sisisihin mo sa iyong pagkakamali. ‘Yung tipong sinisisi mo ang ibang tao para hindi ka ma-guilty sa kasalanan mo, pero ang totoo, ikaw ang responsable rito.

  1. MAGPASALAMAT. May mga pagkakataong inuuna nating mag-complain kesa i-appreciate ang mga bagay na meron tayo. Ang nangyayari kasi, masyado tayong focused sa bagay na gusto nating mangyari o makuha kaya ‘pag may dumating na malayo sa inaasahan natin, nauuna pa tayong magreklamo kesa magpasalamat dito. Hindi naman mahirap magpasalamat, lalo na kung alam mong hindi ito basta-basta nakukuha ng kung sino. Mga besh, matuto tayong magpasalamat sa maliit o malaking bagay na mayroon tayo.


Masyado nang mabigat ang pinagdaraanan ng mundo kaya ‘wag na tayong dumagdag sa problema ng ibang tao.


Iwasang maging toxic at magkalat ng negativity dahil wala itong maidudulot na maganda sa atin at sa ating kapwa. Sa halip, maging mabuti tayo sa isa’t isa para tularan ng iba at dumami pa ang mabubuting tao sa mundo. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page