top of page
Search
  • BULGAR

Estudyante na, empleyado pa? Tips para 'di mapabayaan ang pag-aaral habang may part time job

ni Nympha Miano-Ang- @Life and Style | September 17, 2021




Ngayong may pandemya, tiyak na hindi lang pag-aaral ang inaasikaso ngayon ng mga kabataan, kundi isa rin silang mga working student. At dahil online class sila ngayon, ang paghawak ng magkasabay na pananagutan ay nangangailangan ng mahusay na kakayahan sa pag-organisa ng oras at sarili, lalo na sa pamilya. Kailangang mahusay ang pagpaplano at ang prayoridad ay may mainam na papel para magtagumpay pareho sa obligasyon sa pag-aaral man at sa pinagtatrabahuhan.


1. HUMANAP NG ONLINE OPTIONS. At dahil ang mga estudyante ngayon ay hindi kailangan maging pisikal na present sa classroom. Ang pagkuha ng online class ay prayoridad. Sa pamamagitan ng distance learning, makikita ang lecture at course material sa computer o laptop at makikipag-usap sa instructors at kaklase sa email o chat. Ang distance education o online class ay mas madaling maka-access sa course materials at matapos ang class assignments sa oras na kailangan nito sa iyong iskedyul. Kung may laptop ka, mas portable ang iyong klase. Tiyakin na may internet access ang gadgets para mas makamura kaysa sa mobile data na magastos.


2. MAGPLANO NG TAMA. Gawan ng tamang plano ang iyong oras. Makipag-coordinate sa trabaho at course schedules nang mas maaga. Kumuha ng kurso sa gabi o tuwing weekends upang maiwasan na ang magka-conflict sa trabaho. Kausapin ang employer upang malaman kung payag siyang ire-arrange sa iyong work schedule para makuha mo ang iyong kailangan na oras sa eskuwela. Kung nagko-commute ka papunta sa trabaho, agahan na ang pagpasok o kaya ay dalhin na nang mas maaga ang iyong laptop o gadgets para kung aabutan ka ng oras sa online class ay puwede ka na after work gumawa ng assignment. Konsiderahin na ang part time ang siyang makatutulong habang inaabot mo ang iyong pangarap. Isipin na hindi ka isang superhero at kung kailangang mayroong dapat na ayusin alinman sa dalawa, huwag matakot na pagsabayin ang mga ito. Kung pareho namang online ang klase at ang trabaho ay piliin mo ang panggabing klase.


3. MAGKAROON NG POSITIBONG PANANAW. Panatilihing positibo ang ugali at maging handa na magbago habang nagsisikap sa pag-aaral at trabaho. Isipin na talagang may mga bagay na talagang dumarating sa paghihirap ang isang estudyante lalo ngayong pandemya at ang buhay ay hindi laging perpekto. Kung minsan kailangang dumanas kahit kaunting sakripisyo sa buhay. Humanap ng susuportang grupo ng mga kaibigan at pamilya na nariyan lang sa iyong tabi kung kailangan mo nang payo para makapagpalakas ng loob kung ikaw ay pinanghihinaan ng loob.


4. INGATAN ANG SARILI. Kung dati eskuwela at trabaho, kandaugaga ka, totoong para kang kandila na parehong may apoy ang magkabilang dulo. Iwasan ang sobrang pagod kung magkakaroon ng sapat na tulog. Ugaliin na ang pagtulog ng maaga at pare-parehong oras ng pagtulog at paggising tuwing gabi. Huwag nang maglaan ng pagtatrabaho tuwing magigising o paggawa ng school work at baka ka mahirapan. Mas gumawa ka ng ibang bagay na gusto mong gawin. Tiyakin na magkaroon ka ng oras sa pamilya at mga kaibigan at i-enjoy ang sandali sa kanila kapag napapagod ka.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page