Tips para ‘di malungkot kung nawalan ng trabaho
- BULGAR

- Oct 21, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 21, 2020

Masakit sa kalooban sa sandaling bigla mong marinig sa iyong boss na mawawalan ka na ng trabaho. Maaaring ilang araw o ilang linggo matapos ang pagkawalan ng trabaho ay mararamdaman na ang sakit.
Pero ang totoo, hindi maiwasan na labis na kalungkutan na ang madarama makaraan ang nangyari. Normal lang naman ito, pero may paraan para ‘di malungkot sa ganitong sitwasyon. Sa panahong ito ng pandemya, isang malaking pagsubok sa ating lahat ang nangyayaring ito.
1. Kumunsulta sa mga mahuhusay o propesyonal na tagapayo kung kailangan. Makipag-usap sa therapist at wala kang dapat ikahiya, nariyan sila para tumulong. Kung may mabait na kaibigan ay doon ka na rin sumangguni. Ilabas mong lahat sa iyong kalooban ang sakit na nangyari at nawalan ka ng trabaho.
2.Sikaping maging aktibo. Masosorpresa ka kung paanong ang page-ehersisyo mo ay mawawala lahat ng iyong nadaramang agam-agam. Nailalabas ng pag-e-ehersisyo ang endorphins na lumalaban kontra stress. Kapag marami kang ehersisyo, gaganda rin ang iyong katawan. Tanggapin mo na, marami na ang tumataba. Bakit hindi mo na umpisahan ngayon na makapagpapayat lalo na’t tumataba ka. Mainam na paraan na rin ito para magamit ang ekstrang oras na nai-stress tungo sa isang fitness program mga zumba online o kaya mga virtual run, mga virtual competitions na sasalihan bilang magiging prayoridad.
3. Huwag kang mahihiya na sabihin sa loved ones ang nangyari. Kausapin ang buong pamilya. Hindi ito ang oras para maging mapagmalaki ka pa at lalo pang malulungkot. Kailangan ng iyong loveones na malaman kung ano talaga ang totoo lalo na kung sila ang umaasa sa iyo at baka naman sila ang mas makakatulong at babawi para ikaw naman ang siyang aayudahan nila. Buksan ang kalooban at magsalita sa kanila, tiyak na tanggap nila ito at makikinig sila dahil malaki naman ang utang na loob nila sayo noong ikaw ang may trabaho ay nahihingan ka nila ng pera at nauutangan pa. Bakit naman ngayong ikaw na ang nangangailangan ay baka makaagapay mo sila.
4.Makipag-usap sa kaibigan. Nahihiya ka sa iyong mga kaibigan matapos kang mawalan ng trabaho. Pero baka makatulong pa sila kung kailangan, malay mo survivor din sila na tulad mong dumaan din sa ganyang pagsubok. Hindi nakalulutas ng problema ang pagtatago nito lalo na at lahat tayo ay nasa loob ng bahay. Pero dahil bawal lumabas at makisalamuha, i-chat mo sila online. Mag-usap kayo sa social media, tawagan mo sila sa telepono o cellphone. Ito rin ang mainam na oportunidad na maglaan ng oras sa mga kaibigan na dating wala kang time para sa kanila. At least, marami ka nang oras ngayon para sa kanila.








Comments