Tips kung paano pipili ng taong iyong tutularan
- BULGAR
- Mar 16, 2021
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 16, 2021

Mahalaga ang role model. Sila ang nakatutulong upang mas maging mabuti tayong tao at nagbibigay inspirasyon upang mas maging kakaiba ka. Ang pagpili sa kanila ng mabuti, ibig sabihin ay naiimpluwensiyahan tayo ng tama at matutulungan kang maging mahusay na tao.
1. Pumili ng isang taong hinahangaan na may matinding kumpiyansa sa sarili at may mahusay ding abilidad. Ang isang magandang role model ay isang tao na na kilala nila kung sino sila. Ayaw mo ng isang taong mahina ang loob at bibigyan ka rin ng negatibong mga pananaw. Pumili ng isang taong hindi magkukunwari na magaling at hindi peke para lamang makuha ang atensiyon ng iba.
2.Konsiderahin ang isang tao na masasabing unique, kahit na marami pa mang naiinggit sa kanya. Sila ang mga taong magpapaganda ng iyong sarili, mailalabas ang orihinal na pagkatao habang wish mong maging tulad din nila.
3.Isipin ang isang tao na mahusay makisama sa iba at isang tao na mabait at magaling makipag-ugnayan sa iba.
4.Humanap ng isang tao na namumuhay na ayon din sa gusto mong buhay. Kung nais mong maging sikat na may-akda o author, ang iyong role model ay isang tao na marami nang tagumpay sa pagsusulat. Kung hangad namang maging isang nurse, ang iyong role model ay isang tao na nariyan sa isang ospital na may dedikasyon sa kanyang trabaho at isang tao na may magandang achievement bilang nurse.
5.Humanap ng isang tao na hindi naghahanap ng anumang kapalit sa kanyang ginagawa. Tulad ng mga nagpapakabayani sa pagsagip sa buhay ng iba. Pumili ng role model na nakagawa ng isang bagay na sadyang kahanga-hanga, gaya ng pag-iilak ng maraming pondo para sa isang kawanggawa, nakaliligtas ng maraming buhay, nakatutulong sa mga taong nangangailangan at mga taong dumidiskubre ng mga gamot para mapagaling ang isang sakit.
8.Isaisip na ang pagkakaroon ng role model ay hindi ibig sabihin na eksakto kang nagiging katulad niya, tandaan na panatilihin ang pagka-indibwalidad.
9.Ang role model ay isang taong gusto mong tularan at tunay na hinahangaan.
10.Hindi mo dapat na baguhin ang sarili para maging katulad ng role model, maging gaya ka nila, pero kailangang ikaw pa rin ang totoong ikaw at kilalanin lamang ang kanilang ginagawa.
11.Gawing role model ang sarili. Ibig sabihin, palinangin ang isang bagay na tagumpay mong nagawa.
12.Ang iyong role model ay hindi kailangang maging isang tunay na tao, o isang tao na buhay pa, puwedeng maging idolo si Carlo J. Caparas o Gilda Olvidado bilang manunulat o kaya naman ay isang karakter mula sa isang aklat. Okey lang iyan, pero isaisip kung ano ang direktang naitutulong ng role model, “Ano ba ang magagawa niya sa iyong posisyon?”








Comments