Tinapik ng yumaong ina sa balikat, pahiwatig na dapat lakasan ang loob
- BULGAR

- Aug 10, 2020
- 1 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 10, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Loisa na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang mensahe ng panaginip ko? Dumalaw sa bahay namin si mama, pero wala siyang sinabi at tinapik niya lang ang balikat ko. Sa totoong buhay, noong 2016 pa namatay si mama.
Naghihintay,
Loisa
Sa iyo Loisa,
Hindi ba ang sabi, “Mother knows best?” Ibig sabihin, si mama o nanay ang higit na nakakaalam kung ano ang mabuti at maganda para sa kanilang anak.
Minsan, parang hindi ito gusto ng kabataan dahil ang katwiran nila, sila ang tunay na nakakaalam kung ano ang maganda para sa kanila. Kaya sa panahon ngayon, ang magulang at anak ay madalas na hindi magkaintindihan.
Balikan muna natin ang iyong panaginip. Sabi ng mama mo, lakasan mo ang iyong loob dahil makikitang mukhang humihina ang personalidad mo at maaaring ito ay dahil sa sitwasyon ngayon na walang katiyakan kung ano ang magiging buhay dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Tama si mama mo, ‘di ba? Ikaw ay parang nawawalan na ng pag-asa ngayon, at ang isa pang tama sa mama mo ay ang kailangan mong lakasan ang iyong loob. Lumaban ka at makipagsapalaran. Dagdag pa niya, siya ay palaging nakamasid sa iyo kaya kahit na natatakot ka, ituloy mo lang ang pakikibaka sa buhay.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo







Comments