top of page

Tinakbuhan ng pinautang, pahiwatig na tulungan ang kapitbahay na gipit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11, 2020
  • 2 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | October 11, 2020



Salaminin natin ang panagininp ni Marivic na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Napanaginipan ko na inutangan ako ng kapitbahay namin, siningil ko siya, pero wala na pala sila. Pagka-utang sa akin, umuwi na ng probinsiya, pero hindi naman ako nagalit.

Ngayon, may umuutang na kapitbahay ko rin. Hindi ko pa pinauutang dahil baka magkatotoo ang panaginip ko.

Naghihintay,

Marivic

Sa iyo Marivic,

Pautangin mo ang iyong kapitbahay. Magbayad man siya o hindi, dapat okey lang sa iyo, pero siyempre, huwag ‘yung sobrang malaking halaga. Ang inuutang ng kapitbahay ay dapat maliit lang na parang tulong sa mabilisang kagipitan.

Ganito ang sabi, “Mahalin mo ang kapitbahay mo,” na ang isa sa mga ibig sabihin ay tulungan mo dahil ang magkakapitbahay ay dapat nagtutulungan. Ang kapitbahay ay unang sasaklolo sa kanyang kapwa.

Sasaklolohan ka rin ng ibang tao, pero, delay ang saklolo niya, sasaklolohan ka rin ng tao ng barangay n’yo, pero kung mayroong tanod sa barangay hall. Ngunit kadalasan, wala namang tanod sa dis-oras ng gabi, kung mayroon man, madalas sila ay tulog.

Ito ang dahilan sa likod ng utos na mahalin natin ang ating kapitbahay.

Hindi naman mahalaga kung tayo ay nangailangan ng tulong o hindi, ang mahalaga ay ang nand’yan ang ating kapitbahay na handa tayong tulungan.

‘Yung pagiging handa na tayo ay tulungan, sapat na ‘yun para sila ay ating pautangin kapag sila ay nangungutang. Kaya muli, pautangin mo ang iyong kapitbabay.

Ang panaginip mo naman ay nagsasabing, malaki ang tsansa na ikaw ay yumaman sa pagpapautang, lalo na ngayong ang lahat ay nangangailangan. Pero ang kabilin-bilinan ay piliin mo lang ang iyong pauutangin na mga negosyanteng nangangailangan.

Sa pagpapautang sa mga nagnenegosyo, dapat ay may kasulatan na kapag hindi nagbayad ay may kapalit na bagay at ito ang tinatawag na kolateral.

Para malinaw, ang kapitbahay ay dapat pautangin dahil siya ay nagipit sa buhay, pero ang mga negosyanteng umuutang ng pera na ang pangunahing layunin ay kumita at yumaman sila, ito ang pagkakaiba ng utang ng kapitbahay at utang ng negosyante.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page