top of page
Search
BULGAR

Tigil-operasyon ng PNR, komyuter magbaon ng mas mahabang pasensya

@Editorial | Marso 10, 2024


Ilang araw na lang at ititigil na pansamantala ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon nito mula Gov. Pascual-Tutuban hanggang Tutuban-Alabang upang mapabilis ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project sa Metro Manila.


Ang tigil-operasyon ay magsisimula sa Marso 28, 2024.


Ayon sa Department of Transportation, isasara ang mga serbisyo ng PNR upang tiyakin na ligtas ang mga pasahero habang isinasagawa ang konstruksyon ng NSCR.


Kaugnay nito, sana ay masiguro rin na hindi mahihirapan ang mga komyuter. Bagama’t sinabi naman na ng ahensya na may mga alternatibong ruta ng bus na magbibigay serbisyo sa mga pasahero na maaapektuhan sa panahon ng pagtigil ng PNR.


Inaasahang mapapababa ng NSCR, ang makabagong 147-kilometrong linya ng riles sa bansa, ang travel time mula Clark, Pampanga, hanggang Calamba, Laguna ng hindi bababa sa dalawang oras. 


May kakayahan umano itong mag-accommodate ng 800,000 pasahero kada araw, bagay na magpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila at magpapalakas ng paglago sa ekonomiya ng mga lungsod at bayan na dadaanan nito.


Kaya sa ating mga pasahero, ngayon pa lang ay planuhin na ang magiging biyahe at paghandaan na ang pagbabaon ng mas mahabang pasensya.


Umaasa tayo na ito na ang simula ng pagtutok sa mass transportation ng bansa.


Sobrang tindi na ng lagay ng trapiko, maraming oras ang nasasayang at oportunidad na lumalampas dahil nai-stuck tayo sa traffic.


Kapag natapos na ang mga tren at maayos itong napamahalaan, tiyak na ang pag-unlad ng bayan. 


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page