top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tigdas at mapait na gamot, pahiwatig ng magandang kalusugan at suwerte sa negosyo

BULGAR
Apr 9, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 9, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Aurora ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Tagahanga ako ng inyong kolum at sa katunayan, pangatlong pagkonsulta ko na ito sa inyo.


Gusto kong ipaanalisa ang panaginip ko na tinubuan ako ng maliliit na pantal sa buong katawan. Kumonsulta ako sa doktor at ang sabi niya ay may tigdas ako, tapos niresetahan niya ako ng gamot. Sobrang pait ng lasa ng gamot na inireseta niya sa akin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Aurora



Sa iyo, Aurora,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na tinubuan ka ng tigdas dahil ito ay nangangahulugan na maayos at maganda ang iyong kalusugan. Wala kang sakit na nararamdaman, maging ito man ay sakit sa balat o katawan. Ito rin ay nagpapahiwatig na maraming darating sa iyong oportunidad, lalo na tungkol sa negosyo. Susuwertehin ka sa pangangalakal at hindi inaasahan ang pagdating ng mga pagpapala sa buhay mo.


Samantala, ang gamot naman na inireseta sa iyo na sabi mo ay mapait ang lasa, ito ay nagpapahiwatig na may kaunting balakid sa mga balak mo. Kaunting-kaunti lang at malamang na kaya mo itong lagpasan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page