top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tibong live-in partner, ka-compatible kaya makakatuluyan kahit mambabae at naghiwalay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 21, 2020



Dear Maestro,

Naghiwalay kami ng ka-live-in ko na isinilang noong November 13, 1990 at October 31, 1992 naman ang birthday ko. Tomboy siya at babae ako, kaya gusto kong malaman sa pamamagitan ng mga birthday namin kung magkakabalikan pa kami o may iba na siya kaya niya ako pinalitan?


Umaasa,

Irish ng San Juan, Cordon, Isabela

Dear Irish,


Kapwa kayo nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio ng dating live-in partner mo at nagkataon ding kapwa kayo pinaghaharian ng numerong kuwatro (4), dahil ang 13 na birth date niya ay 1+3=4, habang ang birth date mong 31 ay ganundin ang sumatotal, kung saan pareho kayong “Taong Kuwatro”, kaya kung tutuusin, sadyang compatible kayo sa isa’t isa.


Dagdag pa rito, ang destiny number na 7 (11+13+1990=2014/ 20+14=34/ 3+4=7) ng ka-live-in mo at 8 naman ang destiny number mo (10+31+1992=2033/ 20+33=53/ 5+3=8) ay nagsasabing hindi lang kayo sa birth date at zodiac sign compatible kundi pati sa destiny number. Ang destiny number na 7 ay weak number na suwetong-suweto isama sa strong number na 8, tulad ng destiny number mo.


Ibig sabihin, naaalala mo ba ang kasabihan ng matatanda noong araw, lalo na dine sa Bulacan na madalas kong marinig sa aking Inang Talia, “Pagka-haba-haba man ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy.”


Kumbaga, magpapalit-palit man ng girlfriend ang karelasyon mo, wala ring tatagal sa kanya na kasing-okey mo, kaya sa bandang huli, sa iyo rin siya hahantong.


Hayaan mo lang siya ngayon sa hilig niyang makipagrelasyon pa sa ibang babae dahil hindi rin naman tatagal sa kanya ang makakarelasyon niya. At tulad ng nasabi na, kapag dumating ang sandaling natauhan na siya, kusa siyang babalik sa iyo at hihingi ng tawad.


Ang problema nga lang, baka kung kalian dumating ang panahong ito at humingi siya sa iyo ng sorry ay huli na ang lahat dahil may iba ka nang mahal. Dahil tulad ng nasabi na, maaaring sa panahong ‘yun, may bago ka nang live-in partner na mas higit pa sa kanya.


Pero mangyayari lang ‘yun kung halimbawang makatagpo ka ulit ng tomboy na may birth date na 4, 13, 22, 31, may zodiac sign na Scorpio o Cancer, na may destiny number ding 7, 16 at 25 kung saan ang ganyang uri ng mga nilalang ang tunay na ka-compatible mo, na siyang nakatakda mong makakasama sa pagbuo ng maunlad, maligaya at panghabambuhay na relasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page