top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tibo na iniwan ng live-in partner, dapat maghintay dahil babalikan

BULGAR
Mar 8, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 8, 2022


Dear Maestro,


Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ako ay isang lesbian. May live-in partner ako at lagpas tatlong taon na kaming nagsama. Ang birthday ko ay October 22, 1984, siya naman ay May 15, 1989 at ang anak niya na inako ko ay October 5, 2015 ang birthday.


Naghiwalay kami kamakailan at nais kong malaman kung kami ba ay magkakabalikan pa at may pag-asa pa bang magkasama kaming muli at panghabambuhay na? Nalilito kasi ako ngayon kung bakit nagawa niya kaming ipagpalit sa mga bagong kakilala niyang mga kaibigan. Sana ay mapayuhan n’yo ako upang maayos ang buhay ko at maging maligaya.


Umaasa,

Mona ng San Antonio, Arayat, Pampanga


Dear Mona,


Ang hindi n’yo alam, suwerte kayong tatlo na magkakasama – ang karelasyon mo na may birthday na May 15, 1989, ang birthday mo na October 22, 1984 at ang birthday ng kanyang anak na October 5, 2015. Kumbaga, suwerte ka sa kanya, ganundin siya sa iyo, at suwerte rin ang anak niya kapag kayong tatlo ay magkakasama.


Kaya kung talagang ayaw na niya sa iyo, pilitin mong mabuo muli ang inyong relasyon, hindi na bilang lovers, kung hindi ka na niya talaga mahal kundi bilang mag-bestfriend na lang, magkapatid o bilang pamilya na parang walang nangyari.


Sa ganyang paraan, kapag nagkasama muli kayong tatlo, yayaman kayo at isa ang kulang para kayo ay yumaman – ang magkaroon kayo ng kahit ano’ng uri ng sasakyan (mas maganda kung kotse) na kulay pula.


Alam mo kung bakit suwerte kayong tatlo? Ang zodiac sign mong Libra na nasa pagitan ng Scorpio ay “very favorable” sa isang Taurus na may birth date na May 15, 1989 tulad ng iyong kinakasama. Ang ruling planet n’yong tatlo, kasama na ang anak niya na may zodiac sign na Libra na may birth date pang 5 ay Venus. Ito ang planetang gagabay sa inyong tatlo na magbibigay ng mas marami pang magagandang kapalarang hindi n’yo inaasahan.


Ang nakatutuwa, ang Venus ay mapalad na inaalalayan ng planetang Mars, na siya namang ruling planet ng mga taong naiimpluwensiyahan ng Scorpio at siya ring ruling planet ng mga taong may kakaibang panlasang sexual at kakaibang mag-appreciate ng beauty at sex.


Samakatuwid, ‘pag palaging magkasama si Venus at Mars, suwabeng-suwabeng uusad ang masigla, masaya at maunlad na pagsasama habambuhay.


Ang nakatutuwa pa nito, nasamahan ang planetang Venus at Mars ng suwerteng planetang Mercury— mapalad sa salapi at materyal na bagay, gayundin sa negosyo, na siyang ruling planet ng anak ng girlfriend mo na may birth date na 5.


Sa matuling salita, napakasimple ng dapat mong gawin, kumbaga, nasa “right track” na kayo dati, ibabalik mo na lang ito at tuloy-tuloy na kayong uunlad at habambuhay na magiging maligaya.


Sa kabilang banda, kung ayaw na niya muling makisama sa iyo, ang pinakamabuti mong magagawa ay abangan ang kanyang pagbabalik. Dahil sa Depth Astrology o malalimang pag-aanalisa ng mga planetang umiimpluwensiya sa buhay ng bawat tao, ang hindi alam ng isang tao na naiimpluwensiyahan ng planetang Venus tulad ng girlfriend mo, hindi siya mabubuhay nang maligaya, hindi siya mapapakali, hindi niya makakamit ang pag-unlad, kapahingahan, kampante at satisfied na buhay, hangga’t hindi niya natatagpuan ang kanyang “animus o anima” o ‘yung “the self within” na matatagpuan lamang sa indibidwal na naiimpluwensiyahan ng ruling planet na Mars at ikaw ‘yun.


Kaya ang siguradong mangyayari sa inyong relasyon kung matututo kang magtiyaga at maghintay ay mauuwi sa ganitong kasabihan, “Ang pamilyang nilayasan ay siya ring uuwian, na magdudulot ng kapanatagan at panghabambuhay na kaligayahan.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page