Search
  • BULGAR

Thirdy Ravena ng NeoPhoenix, maglalaro sa Japan B-League

ni Anthony Servinio - @Sports | June 25, 2020




Gumawa ng panibagong kasaysayan si Ferdinand “Thirdy” Ravena III bilang pinakaunang manlalaro na pumirma sa Japan Professional Basketball League (B-League) sa ilalim ng kanilang bagong alituntunin na maaring kumuha ang mga koponan ng import buhat sa mga kapwa bansa sa Asya. Maglalaro ang dating Ateneo de Manila University Blue Eagle para sa San-En NeoPhoenix sa parating na 2020-2021 season.


Inaasahan na bubuhayin ng 6’2” forward Ravena ang kampanya ng NeoPhoenix na nagtapos na may kartadang 5-36 panalo-talo, ang pinakamababa sa buong B.League 1 bago ito itinigil noong Marso sa gitna ng pandemya ng COVID-19. May 18 na koponan ang kalahok sa liga, ang pinakamataas na antas ng Basketball sa Japan.


Ang pagkuha kay Ravena ay gumulat sa marami na umaasa na mga Koreano ang unang kukunin. Kamakailan ay nagkasundo ang B-League at Korean Basketball League (KBL) na magtulungan at magpalitan ng manlalaro sa ilalim ng Asian Player Quota ng dalawang liga.


Ang NeoPhoenix ay ginagabayan ni Coach Branislav Vicentic, isang Serbian. Ang kanilang mga laro ay ginaganap sa Toyashi City General Gymnasium na matatagpuan sa Aichi Prefecture na ang kabisera ay Nagoya.


Hindi sinumite ni Ravena ang kanyang papeles para sa huling PBA Rookie Draft upang tingnan at pag-aralan ang mga alok sa kanya na maglaro sa ibayong dagat. Naglaro rin siya sa Gilas Pilipinas sa simula ng qualifier para sa 2021 FIBA Asia Cup noong Pebrero kontra Indonesia.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.