top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Teknik para matiyak kung tototohanin ng bf ang bantang magpapakamatay ‘pag hiniwalayan

BULGAR
May 1, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 1, 2022




KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako, pero gusto ko nang makipag-break sa kanya dahil sensitive at immature siya. Masyado siyang seryoso sa buhay at masasabi kong nakakabato siyang kasama. Pero nang sabihin ko na mag-cool-off muna kami, sinabi niyang hindi niya kayang mawala ako sa kanya dahil mahal na mahal niya raw ako at ako ang una niyang GF. Ako na raw ang gusto niyang mapangasawa. Nagbanta pa siya na kung sakaling makikipag-break ako, magpapakamatay daw siya at habang sinasabi niya ‘yun, tumutulo ang luha niya.

  2. Ang problema ko ngayon, Maestro, paano kung sakaling tuluyan na akong makipag-break sa kanya at totohanin niya ang kanyang banta? Ka-close ng pamilya namin ang pamilya nila kaya natatakot ako dahil kung tototohanin niya ang kanyang banta, nakakahiya at baka ako pa ang masisi ng magulang at kamag-anak niya.

  3. Gusto kong malaman kung paano nalalaman sa guhit ng palad na ang tao ay posible ngang magpakamatay?

KASAGUTAN

  1. Mas scientific na diskarte kung pado-drowingin mo muna siya ng punong-kahoy at obserbahan mo kung ang mga sanga at dahon na iguguhit niya ay hahalik sa lupa o sabihin nating masyadong nakayuko ang mga sanga, kaya ang mga dahon nito ay sukdulan nang umabot sa lupa.

  2. Ayon kasi sa personality test na HTP o House, Tree Person Test, sa subject na Projective Technique sa kursong Psychology, kapag ang idinrowing na punong-kahoy ng isang subject na humahalik sa lupa ang mga dahon, ito ay ini-evaluate bilang “indication of a suicidal tendency”.

  3. Gayunman, makukumpirma ang pag-aanalisang nabanggit o mapagtitibay ng iba pang mga datos tulad ng very sloping Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.), at ang Head Line na ito ay natapos sa Bundok ng Luna o Moon, na nagkaroon pa ng pigura o korteng krokes (arrow b.) sa kaliwa at kanang palad. Ito ay tanda na nakahulagpos na sa mundo ng praktikalidad at aktuwalidad ang isip ng nasabing indibidwal at sa rurok ng dispalinghadong pagmumunimuni na sumisilid ang pagnanasa ng pagpapatiwakal.

  4. Hindi sana magaganap ang ganu’ng paglalaro ng isip kung makikita mong ang kanyang Heart Line (Drawing A. at B. h-h) ay maganda, ibig sabihin, walang bilog at hindi nalatid sa kaliwa at kanang palad. Subalit kung ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa mga palad ay kinakitaan ng maliit na bilog, masyadong manipis ang guhit at mala-brown ang kulay ng mga guhit (arrow c.), ito ay indikasyon na ang isang indibidwal na hindi lang sensitive, kundi highly sensitive na masasabi ring hindi marunong magdala ng problema at sadyang maramdamin. Ang mga kadahilanang ito ang magtutulak sa kanyang sarili upang tulad ng kinakatakutan mo, kapag nawala ka sa kanya, mawawala na rin nang lubusan ang katinuan ng isip dahil mapangingibabawan ng sobrang kalungkutan ang damdamin, na siyang huhulagpos upang kitilin ng nasabing indibidwal ang kanyang sariling buhay.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kim, kung wala namang mga tanda na inilarawan sa itaas, tulad ng very sloping head line ng boyfriend mo sa kaliwa at kanan niyang palad at hindi naman siya nag-drawing ng punong-kahoy na halos nakahalik na sa lupa ang mga dahon, puwede ka nang makipagkalas sa kanya kaysa naman habambuhay kang alipin ng takot at walang peace of mind dahil sa irasyonal na banta ng iyong boyfriend na siya ay magpapatiwakal.

  2. Minsan, ang pagbibigay-laya sa tao ay pagbibigay din ng laya sa iyong sarili upang makatagpo ka ng ibang pag-ibig at pakikipagrelasyon na magpapaligaya sa iyo habambuhay. Ito ay nakatakdang managyari sa taon ding ito ng 2022, sa buwan ng Oktubre at sa edad mong 23, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page