Teacher, arestado sa droga sa Pagadian City
- BULGAR

- Aug 23, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 23, 2020

Arestado ang isang guro sa elementarya dahil sa droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Pagadian City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinilala ang suspek na si Henry Dominic Pabilawan, 36-anyos, elementary teacher, sa Dumalinao Zamboanga del Sur.
Ayon sa PDEA, naaresto ang suspek matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Purok Liberty, Barangay Gatas, Pagadian City.
Gayundin, nakumpiska sa suspek ang anim na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40,800 na inilagay nito sa kaha ng sigarilyo at ang buy-bust money.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments