top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tax sa gasolina, alisin muna

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2022
1 min read

@Editorial | March 5, 2022



Wala na talagang preno ang pagtaas sa presyo ng petrolyo.


Inaasahang sisirit na naman ang presyo sa susunod na linggo.


Yari na naman ang presyo ng mga bilihin at serbisyo. Hindi natin masisisi ang mga direktang tinatamaan. Wala rin silang magawa, kundi ang mag-price hike rin.


Kaugnay nito, patuloy ang panawagan sa pagsususpinde sa mga buwis sa gasolina.


Ito umano ang pinakamahusay na paraan upang mabigyan ng agarang tulong ang mga Pinoy sa gitna pa rin ng sunud-sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo sa bansa.


Una nang inatasan ng Malacañang ang Kongreso na repasuhin ang Republic Act No. 8479, o ang 1998 Downstream Oil Industry Deregulation Act.


Dapat umanong talakayin ng mga mambabatas ang iba pang hakbang na tutugon sa mga pagtaas ng presyo ng langis sa bansa, kabilang na ang pagsuspinde sa excise sa gasolina kung sakali mang magsagawa ang mga ito ng special session para suriin ang Oil Deregulation Law.


Habang isinusulong ang pagsuspinde ng buwis sa gasolina sa loob ng tatlong taon, susuportahan din umano ang pagpapanumbalik ng mekanismo ng pagsususpinde ng buwis sa langis sa ilalim ng Section 43 ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law.


Kailangan na talagang kumilos ng gobyerno dahil hindi na maawat ang oil price hike.


Lahat ay apektado at nakapanlulumo na nangyayari ito sa gitna ng pandemya, kung saan nag-uumpisa na sana tayong bumawi.


Huwag sanang hintaying mapagod ang taumbayan at tuluyang bumigay.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page