top of page

Tawa nang tawa, babala ng pagkabigo sa love life

  • BULGAR
  • Nov 12, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 12, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Veronica ng Masbate.


Dear Maestra,


Masayahin akong tao at kahit may problema ako, dinadaan ko na lang sa pagtawa na para bang wala akong problema.


Napanaginipan ko na tawa ako nang tawa at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kakatawa. Gayundin, daig ko pa ang nasisiraan ng ulo dahil sa non-stop kong pagtawa.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Veronica


Sa iyo, Veronica,


Kabaligtaran ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na tawa ka nang tawa at hindi mo mapigilan ang iyong sarili, gayundin, halos daig mo pa ang nasisiraan ng ulo dahil sa sobrang pagtawa mo. Ito ay nangangahulugan na daranas ka ng pagkabigo sa buhay, kung saan hindi ka magtatagumpay sa mga binabalak mong gawin.


Sa pag-ibig, nagbababala ang iyong panaginip na mag-ingat ka sa mga ikinikilos mo. Kung in love ka ngayon, makabubuting huwag kang masyadong maging emosyunal. Iwasan mong mahulog nang husto ang damdamin sa iyong minamahal. May posibilidad na mabigo ka rin sa larangan ng pag-ibig.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page